Bea Alonzo, nagiging ‘mas tao’ dahil kay Zanjoe Marudo!

ADVERTISING

Bea Alonzo, nagiging ‘mas tao’ dahil kay Zanjoe Marudo!

Bea Alonzo, nagiging ‘mas tao’ dahil kay Zanjoe Marudo!NANANATILING ISANG MALAKING palaisipan sa publiko ang totoong namamagitan kina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. But I think the truth was staring us in the face all the time. Para tayong naglalaro ng isang malaking jigsaw puzzle – we have to put together small and interlocking pieces to produce the complete picture. 

So, what is the real score between Bea and Zanjoe? The two are inseparable gaya na lamang nang dumalo sila sa isang golf tournament in Tagaytay which was organized by Diether Ocampo. Oblivious of the cameras, the rumored couple was very sweet to each other throughout the event. Sabay silang dumating sa venue at sumakay sa isang golf car patungo sa golf course.

Kapansin-pansin ang sim-pleng pag-akbay ni Zanjoe kay Bea while driving the golf car. At maging si Bea ay huling-huli rin ng kamera na nakahawak sa braso ni Zanjoe.

Ano pa ba naman ang kulang kung hindi pa sapat ang mga ebidensiyang ito para tuluyan na nilang kumpirmahin ang kanilang tunay na relasyon? Pero sabi nga, actions speak louder than words.

ADVERTISING

After the golf tournament ay hiningan ng komento ng The Buzz ang dalawa tungkol sa kanilang sabay na pagdalo sa event. “Halos nagtatalunan nga kami kanina kasi na-shoot niya iyong isang malayong putt eh, pang-birdie iyon. Siya nga iyong naka-shoot ng importanteng-importanteng bola. Wala pa siyang tulog [kasi] galing [sa] taping pero ‘di naman siya nakaramdam ng kahit anong antok,” sabi ni Zanjoe. Dagdag pa ni Bea, “Ang dami kong naramdaman: frustration, happiness, excitement. Para akong gumagawa ng pelikula.”

Nagsalita rin sila tungkol sa kanilang magandang relasyon ngayon. Zanjoe reveals, “Siguro, nandoon kami sa estado na ako gusto ko siyang kasama lagi. Sana ako gusto rin niya. Nag-e-enjoy kami na matutunan iyong iba’t ibang bagay. Nagagawa ko iyong mga gusto ko. Bonus pa na kasama ko iyong gusto kong tao.” Sabi naman ni Bea, “Marami akong nadi-discover about him at marami siyang itinuturo sa akin. Nakakatuwa kasi ‘di kami nagiging hindrance sa pag-grow ng isa’t isa. Tinuturuan niya ako kung ano’ng dapat kong maramdaman kasi nararamdaman ko iyon. Nagiging mas tao ako dahil sa kanya.”

Basta ang mahalaga ngayon ay masaya sina Bea at Zanjoe sa piling ng bawat isa.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING