Bea Alonzo, nagbago na!

ADVERTISING

Bea Alonzo, nagbago na!

A SULTRY BEA Alonzo wearing a two-piece swimsuit is featured on the cover of The Buzz Magazine’s July issue. Her sexy photos were taken while she was shooting a beach scene for her upcoming movie titled And I Love You So which is Star Cinema’s 16th Anniversary offering.

ADVERTISING

Bea is known for her wholesome image kaya hudyat na ba ito na handa na siyang maging mas daring sa kanyang mga susunod na projects?

Sinasabing kakaibang Bea raw ang makikita ng mga manonood sa pelikula. She has intimate scenes with Sam Milby and Derek Ramsay na hindi pa niya nagagawa sa kanyang past movies and television series. Sinabi raw kay Bea ang tungkol sa mga eksena noong story conference pa lang nila. “I just felt na ito iyong movie na magtatawid sa akin to become a woman,” Bea said.

Bea extensively prepared for her latest movie. She attended yoga sessions and went on a strict diet by eating only hard-boiled eggs and nilagang saging na saba. Malaki rin daw ang naitulong ni Direk Lauren Dyogi sa kanyang pagda-diet. Sinasabihan raw kasi siya araw-araw ni Direk Lauren about her figure kaya na-challenged siya to be fit again.

ADVERTISING

Hindi si John Lloyd Cruz ang kanyang leading man sa And I Love You So, but Bea disclosed that they will have a reunion movie next year.

Sigurado ako that even if Bea reinvents her image ay patuloy pa rin siyang susundan ng sambayanan sa kanyang mga susunod na projects because she is a brilliant actress and a wonderful young lady.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING