Bea Alonzo, nag-e-enjoy ‘pag inaaway at tinatarayan si Maricar Reyes

ADVERTISING

Bea Alonzo, nag-e-enjoy ‘pag inaaway at tinatarayan si Maricar Reyes

Bea-AlonzoFEEL NA feel ng Movie Queen ng bagong henerasyon na si Bea Alonzo ang mga tarayan scene sila ni Maricar Reyes sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

ADVERTISING

Sabi nga ng televiewers, bagong Bea raw ang napapanood nila sa soap opera.

“Hindi na kasi uso ‘yung laging pa-demure ang karakter. Tama lang na maging palaban si Bea kay Maricar. ‘Di siya dapat magpatalbog ‘no?” comment pa nila sa social media.

Ayon naman kay Bea, nasasanay na rin siya na laging tinatarayan si Maricar.

ADVERTISING

“Nag-i-enjoy kami lagi ni Maricar tuwing nag-aaway at nagtatarayan kami sa mga eksena namin bilang si Sasha at Rose,” pahayag ni Bea after niyang mag-renew ng kanyang two-year contract sa Kapamilya network few days ago.

“Nakakatuwang gawin ‘yung away scenes dahil sa totoong buhay hindi namin ‘yun ginagawa. Challenge para sa amin na gawing kapani-paniwala sa viewers ‘yung tarayan at sagutan namin,” dagdag pa ni Bea.

Taliwas sa alitan ng kanilang mga karakter sa Sana Bukas Pa ang Kahapon, sinabi ni Bea na maayos ang samahan nila off-cam ni Maricar at ng kanyang leading man na si Paulo Avelino na gumaganap sa kuwento bilang si Patrick, ang lalaking kapwa mahal nina Rose at Sasha.

“Lagi kaming nagtatawanan nina Maricar at Paulo sa set. Dahil sa soap na ito, mas naging close kami sa isa’t isa.

Ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay produced ng Dreamscape Entertainment para sa ABS-CBN. Kuwento ito ng dalawang magkaibang babae na naghahangad na makamit ang hustisya. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING