Bea Alonzo, may taning na ang serye

ADVERTISING

Bea Alonzo, may taning na ang serye

Bea-AlonzoTINANINGAN NA ng ABS-CBN ang teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pinagbibidahan nina Paulo Avelino  at Bea Alonzo. Last five days night na lang itong mapapanood dahil sa Oct. 10, tapos na ang soap opera.

ADVERTISING

Seventeen weeks itong namayagpag sa primetime at tinutukan ng taumbayan kaya marami ang nalulungkot na hindi na ito mai-extend.

“Hanggang one season lang dapat ang Sana Bukas Pa, na-extend pa nga ito ng ilang linggo, eh. Pero kailangan na talagang tapusin, kasi wala nang mangyayari. Hindi na puwedeng i-stretch kasi lalaylay na ang istorya,” paliwanag ni Trina Dayrit, isa sa mga direktor ng SBPAK.

Sa last 5 days, hindi pa alam kung ano talaga ang magiging ending ng series at kung ano ang mangyayari sa mga karakter nina Maricar Reyes, Tonton Gutierrez at Dina Bonnevie.

ADVERTISING

Masaya sina Paulo at Bea sa pagkakataong ibinigay ng Dreamscape Entertainment na makatrabaho ang isa’t isa. May magandang pagkakaibigan din daw na nabuo sa kanilang dalawa.

“Sana magkatrabaho ulit kami ni Paulo in the future,” sambit pa ni Bea. “Tumaas kasi ang respeto ko sa kanya bilang aktor dahil sa pagiging maalaga at professional niya,” dagdag pa ng aktres.

Ngayong tapos na ang series nina Bea at Paulo, puwede na kayang aminin ng aktor ang tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni KC Concepcion na isa naman sa mga bida ng Ikaw Lamang? Aba, dapat magkaaminan na ‘no, para bongga!

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING