Bea Alonzo, mapangahas na sa role!

ADVERTISING

Bea Alonzo, mapangahas na sa role!

Bea Alonzo, mapangahas na sa role!BLIND ITEM: Hindi kami makapaniwala nu’ng una, pero very reliable ang aming source. Ito raw isang may height na aktres ay “sumisinghot” daw. Ng ano? Ng ano pa nga ba? Ng coke! As in cocaine!

Sure ba talaga ito o me naninira lang? Kasi nga, kahit kami, hindi makapaniwala, eh. Pero ang nakakalokah nito, ‘yung friend namin ang ka-jamming niya sa “snorkeling session”.

Kung ito’y totoo, anong nangyari? Baket bumisyo na siya? ‘Di ba, dapat, super wholesome ang image niya?

‘Yun nga ang dapat, eh. Kaso nga, hindi gano’n ang nangyari. May kinalaman kaya ang pakikipag-split nito sa isang aktor? Sobra niya bang ikinalungkot ito, at ‘yung coke ang lunas sa lungkot niya?

ADVERTISING

Hay, nako, sana, hangga’t maaga, kung totoo man, eh itigil na niya, dahil big turn off ito sa namamahala sa kanyang career.

Kumain na lang siya ng prutas, makakakuha pa siya ng vitamins and mineral o kaya ay potassium.

 

DARING NA daring na nga si Bea Alonzo ngayon. Malakas pa rin naman ang appeal ni Mr. Ronaldo Valdez, pero ‘yung trailer na nakipag-lips to lips dito si Bea ay siyempre, iisipin ng mga fans, “Wow! Pumayag si Bea? Talaga?”

Actually, tama lang na move ni Bea na pumayag na magka-kissing scene, dahil siyempre, benefactor niya sa The Mistress si Tito Ron. Eh, paano nga naman maniniwala ang mga tao kung walang gano’n, ‘di ba?

Tapos, ang wife na si Hilda Koronel na napaka-metikulosa sa pagpili ng role dahil naka-base na siya sa US, para mapapayag mo ‘yan na umarte uli, ibig sabihin, nagandahan siya sa script at ayaw na niya itong palampasin at ipamigay sa iba, lalo na raw at naka-relate siya rito nu’ng araw.

“Layuan mo na ang asawa ko. Tagalog ‘yan para maintindihan mo!” Ang lutong ng linyang ‘yon ni Ms. Hilda ke Bea na mistress ng asawa nitong si Ronaldo.

Sa September 12 na ang showing nito at si Direk Olive Lamasan na rin ang nagsabi na, “Napakahuhusay ng mga artista ko rito at wala akong ibang maisip na very effective na makaka-portray ng role kundi sina John Lloyd at Bea!”

 

SINA BOSSING Vic Sotto at Richard Gomez ang dalawang local actors ang binanggit ni Bea na posibleng ma-fall siya. Samantalang si John Lloyd, ang isinagot niya ay si Mylene Dizon.

Maging sina Lorna Tolentino at Amy Austria ay binanggit din ni Lloydie na puwede siyang ma-attract, although sinabi na earlier ni JLC na na-attract na rin siya dati sa older women.

Ayaw na naming itanong kay Lloydi kung si ______ ay isa sa mga older women na na-attract siya, dahil nakahihiya naman sa “status” ng older woman na ‘yon. Hehehe.

At tama rin naman si John Lloyd in telling the press people na okay sila ni Bea at hindi nila kailangang magkainlaban para lang kiligin ang mga tao.

Kaya nga raw sila nakakapagtrabaho nang matino ay dahil wala silang relasyon at hello, oo nga naman! Ten years na ang kanilang loveteam simula nu’ng “KayTagal Kang Hinintay” teleserye nila na sina Direk Olive at Direk Lauren Dyogi ang unang sumugal.

Kaya heto na ang anniversary gift nila sa kanilang mga fans, ang The Mistress.

Alam na.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING