Bea Alonzo, malaki na raw ang pagbabao ni Gerald Anderson

ADVERTISING

Bea Alonzo, malaki na raw ang pagbabao ni Gerald Anderson

Bea Alonzo & Gerald Anderson
Bea Alonzo & Gerald Anderson

Hindi problema kay Bea Alonzo na makatrabaho ang ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson sa pelikulang “How To Be Yours” ng Star Cinema na ipalalabas na sa July 27.

Sabi ni Bea Alonzo, “Mas nagma-matter actually kung ano ‘yung story, kung naniniwala ba ako sa project, at kung naniniwala ako sa sarili ko na kaya kong gawin. It’s more of that, hindi naman talaga kung sino ‘yung makasasama ko.”

Sa posibilidad naman na magkabalikan sila ni Gerald, ayon kay Bea, “Ang hirap kasing sagutin ‘yan. Ang hirap magsalita nang tapos ‘no? Pero hindi ko pa nagpagdaraanan ‘yung ganu’n. Hindi pa siya dumarating sa buhay ko. Pero hindi ko alam ‘yung mga mangyayari.”

Aminado naman ang aktres na malaki ang nakita niyang pagbabago ngayon kay Gerald kumpara noong magkarelasyon pa sila.

ADVERTISING

“Ako, natutuwa ako na makita na talagang nag-matured si Ge, sobra. Ang ganda ng growth niya. Alam mo na, first time kong sasabihin ito, na ‘yung mga pinagdaanan niya, alam mo na may mga natutunan siya. Kasi parang nakalulungkot naman kung, halimbawa, you have gone through a lot of things in life and yet wala kang natutunan, ‘di ba?

“Alam mo na ang dami niyang natutunan. So, mas na-admire ko siya ngayon for that and he’s a better person now aside from the fact that he is cute,” sabi pa ng aktres.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING