Bea Alonzo, lilipat na sa singko?!

ADVERTISING

Bea Alonzo, lilipat na sa singko?!

Bea Alonzo, lilipat na sa singko?!
INAMIN NI ZOREN Legaspi na nagalit umano ang partner niyang si Carmina Villaroel nang sa isang episode ng Paparazzi, kunsaan semi-regular (o regular na?) host ito, ay may “baon” itong blind item na pinasabog ng guwapong aktor on the air.

ADVERTISING

Ito ay isang female singer, at isang showbiz couple – isang dating nag-artista ring babae at isang actor-politician.

Sila ang mga bida na nagpatalbog ng mga tseke bilang bayad sa isang tipong “sideline” ni Carmina, o nagbenta lang marahil ito dahil maaaring extra na niya ito na nabili sa ibang bansa — mamahaling brand ng bag, na kundi kami nagkakamali ay mala-Hermes na nasa 300-500 thousand pesos ang halaga.

After the commercial gap na “pagbubu-king” ni Zoren on air, inamin din ng actor-host na ikinagalit nga ni Carmina ‘yung ginawa niya, kahit na hindi niya ito pinangalanan.

ADVERTISING

“Hindi para sila pahiyain kundi mag-serve as a lesson or baguhin nila kung ano ang mali,” words to that effect na katuwiran ni Zoren, kaya niya nasabi ‘yun.

Ilang beses nang bonggacious ang mga pasabog na mga “baon” ni Zoren sa Paparazzi, kaya aabangan mo weekly, nakikipagsabayan siya sa mga “baon” din ng ibang hosts na sina Cristy Fermin, Ruffa Gutierrez, Dolly Ann Carvajal, and Mo Twister.

Sana nga ay gawin nang regular host si Zoren sa nasabing Sunday talk show ng TV5 dahil asset ito sa show, giving a fresh and vibrant atmosphere dahil sa guwapo ang alagang ito ni Manny Valera – at prangka, diretso kausap, hindi tulad ng ibang talk show hosts.

Kilig-kiligan pa rin ang Zoren-Ruffa team-up na kadalasan ay nagbubuskahan on the air na may “feelings” na sila sa isa’t isa, na click for us dahil nasubaybayan ng Pinoy audience ang loveteam ng dalawa noong 1990s.

Walang exclusive contract si Zoren sa Kapatid Network, pero balitang may offer din for Zoren na siyang maging leading man ni Lorna Tolentino sa soap opera nito entitled Glamorosa na ang sabi’y kasama rin sina Alice Dixson at Martin Escudero.

 

SPEAKING OF TV5, parami nang parami ang naglilipatan dito, at ang latest ay si Gelli de Belen, coming from GMA-7.

Sabi’y “nainip” daw itong si Gelli kaya nag-babu na mula Kapuso to being a Kapatid.

Under the management ng Backroom ni Boy Abunda si Gelli, na ayaw pa munang pag-usapan ang malinaw na dahilan ng kanyang pag-oober da bakod.

Napanood si Gelli sa hit na Bantatay serye ng Siyete at sa isa pang show tungkol sa mga hayop. Marahil ay matinding serye ang hanap na ni Gelli o management company niya, kaya nang may offer sa kanya ang Singko, malamang na mas maganda ang option o matsa-challenge ang pagiging aktres nito.

After all, mabigyan lang ng matitinong roles ay magsa-shine si Gelli na naging Urian best actress in her time, na tinalo ang ibang kasabayan niya sa pag-arte.

Kasama na rin si Gelli sa growing TV5 big-name artists tulad ng superstar na si Nora Aunor, Aga Muhlach, Lorna Tolentino, na mga nagsipagpirmahan na rin sa Singko. We have yet to verify kung nakapirma na rin si Edu Manzano rito.

Freelancers man, napapanood madalas sa TV5 si Eddie Garcia, at next in line na si Christopher de Leon sa Sa Ngalan Ng Ina show ng dating asawang si Ate Guy.

Did we hear it right na ang tinutukoy ring “mahusay na batang aktres” sa Paparazzi last time na lilipat na rin sa Singko ay si Bea Alonzo?

 

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING