Bea Alonzo, latest addition sa Beautederm family ni Rhea Tan

ADVERTISING
Leo Bukas

SA LATEST post ni Bea Alonzo sa kanyang social media account ay ini-announce niya ang tungkol sa pagiging endorser niya ng Beautederm Corporation.

Ani Bea, “I am happy to announce that finally I am now officially part of the BEAUTEDERM FAMILY.”

ADVERTISING

Hindi naman halos makapaniwala si Rhea Tan, CEO at presidente ng Beautederm Corporation, na isa na si Bea sa mukha ng kanyang patuloy na lumalagong kumpanya.

Bea Alonzo, latest addition sa Beautederm family ni Rhea Tan
Bea Alonzo and Rhea Tan

“Napapanood lang kita dati Basha. At inuulit-ulit ko pa nga ang movies mo, eh. Akalain mo, baby na kita. Nakaka-chat pa. Panaginip ka lang dati.

“If you can dream it, you can do it. Kaya laban lang, sa buhay, walang sukuan,” post naman ni Rhea sa kanyang Facebook account.

ADVERTISING

Bahagi pa ng previous post ni Rhea, “This astonishing multi-award winning actress has been chosen to be one of our ambassadors and we are out of words to describe how ecstatic we are as she joins the star-studded BEAUTEDERM Family.

“Bea is now one of my babies! Welcome Basha!”

Ang bagong produktong Être Clair Refreshing Mouth Spray ang ine-endorse ni Bea sa Beautederm.

“Bea  is confidently beautéful with a heart of gold and the freshest breath with the help of Être Clair Refreshing Mouth Spray.

“Made with all-natural antiseptics, this spray does wonders with just a few spritz in the mouth,” paliwanag sa Beautederm page tungkol sa kanilang bagong produkto.

Sa pagdagdag ni Bea sa Beautederm family ay lalong naging star-studded ang isa sa nangungunang beauty and wellness company sa bansa. Kabilang sa mga naglalakihang artista na endorser ng Beautederm ay sina Marian Rivera, Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Korina Sanchez, Piolo Pascual, Christopher de Leon at marami pang iba.

 

ADVERTISING