Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, aamin din sa tamang panahon

Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, aamin din sa tamang panahon

Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, aamin din sa tamang panahonMainit na pinag-uusapan ngayon ang nabubuong romansa kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. After ng break-up ni Lloydie kay Angelica Panganiban, napagkikitang palaging kasama ng actor si Bea. Kailan lang, nag-out of town ang dalawa sa Tagaytay at Balesin Island for few days and then back to Manila. Fly naman sila ng Hongkong for Chinese New Year (Year of the Lunar Fire Monkey). Ang balita namin, nakabalik na ang dalawa ng Manila. Nag-recharge lang siguro sina Lloydie at Bea para maka-move-on sa past relationship nila.
In fairness kay Bea, pinilit ng actress na i-save ang relationship nila ni Zanjoe, kaya lang hanggang du’n na lang daw ‘yun, kailangang tapusin na, ayon sa actress. Parehong hindi na sila masaya sa isa’t isa, pero they remain friends kahit hiwalay na sila. Maayos naman daw ang paghihiwalay nila ng actor. Parehong single ngayon sina Lloydie at Bea Alonzo, walang masama kung sakaling maging sila. Nag-level-up na raw ang friendship ng dalawa kaya na-develop ang personal feelings nila sa isa’t isa, ‘yun ang pakiramdam ng entertainment press. Labis na ikatutuwa ng mga fans kung sakaling totoo nga ang tsismis na mag-dyowa na ang idol nilang sina John Lloyd Cruz at Bea.
Nang tanungin si Angelica tungkol sa issue about Bea and Lloydie, ayaw nitong mag-comment. Umiiwas magpa-interview, baka nga naman kung ano pa ang masabi ng magaling na actress. Mabuti na ngang huwag na siyang magsalita. At saka, hindi pa naman confirm kung totoong may romansang nagaganap kina JLC at Bea. Kung kami ang tatanungin, mayroon nang namamagitan sa dalawa, hindi pa lang napapanahon para sila umamin. Bigyan na lang natin sila ng privacy sa kanilang personal life. Aamin din sila sa tamang panahon, hindi pa lang sa ngayon, wait na lang.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield