Bea Alonzo, ipinakilala na sa pamilya si Gerald Anderson

ADVERTISING

Bea Alonzo, ipinakilala na sa pamilya si Gerald Anderson

Gerald Anderson and Bea Alonzo with Bea’s family
Gerald Anderson and Bea Alonzo with Bea’s family

Bongga at tila totohanan na ang relasyon nina Gerald Anderson at Bea Alonso, kahit ayaw pa rin nilang aminin na sila na ngang dalawa.

Ipinakilala na ng aktres ang aktor sa pamilya nito nang dumalaw ang binata sa bahay ng dalaga sa White Plains noong Lunes (December 12) ng gabi.

Reason kung bakit nandu’n si Gerald sa haybols nina Bea ay dahil may pa-dinner graduation ang aktres para sa half-brother niyang si James.

Sa picture, kasama nina Gerald at Bea ang ina na si Mary Anne at ang boyfie nito na si Ronald at ng nakababatang kapatid na si James.

ADVERTISING

Yes, ito na ang simula at wala naman yatang tumututol kaya ituloy na para happy sina Geh at Bea.

Na-revive ang “love” nina Gerald at Bea nang gawin nila ang pelikulang “How To Be Yours”, kung saan na-rekindle ang dating pagmamahalan ng dalawa na nagkahiwalay noon nang walang closure.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING