Bea Alonzo, inaming may problema sila ni Zanjoe Marudo

Bea Alonzo, inaming may problema sila ni Zanjoe Marudo

Zanjoe-Marudo-Bea-AlonzoBINASAG NA ni Bea Alonzo ang pananamik tungkol sa issue na hiwalay na sila ni Zanjoe Marudo. Matagal nang usap-usapang nagkakalabo na ang dalawa, pero itinanggi nila ito. Ngayon, nagsalita na ang actress at inamin nito may pinagdadaan sila ni Zanjoe. Totoong may problema sa kanilang relationship ni Zanjoe at ‘yun ang gusto nilang ayusin. Sa isang interview, sinabi ni Bea na, “‘Yung gusot sa relationship namin ni Zanjoe wino-workout namin.”

Lalong tumibay ang balitang hiwalay na nga ang mag-couple na mag-isang nagbakasyon si Zanjoe sa Europe kamakailan lang na hindi kasama si Bea. Nakauwi na ngayon sa Pinas ang actor. Kapag tinatanong ang actor tungkol sa issue sa kanila ng actress, ayaw nitong magsalita. Umiiwas ito na mapag-usapan ang sa kanila ni Bea. Marami ang naghihinayang kung tuluyan na ngang maghihiwalay ang couple. Sayang naman ang love relationship na tumagal nang maraming taon kung hindi agad maayos ang problema sa kanilang dalawa.

Walang third party involved. Umaasa si Bea na malalagpasan nila ni Zanjoe kung anuman ang trial na pinagdadananan nila sa ngayon. Lahat naman ng relationship dumadaan sa ganitong pagsubok. Walang problemang hindi nagagawan ng solusyon. Kailangan lang maging matibay ang bawat isa para harapin kung anuman ito. Kung matatag ang pagmamahal nina Bea at Zanjoe sa isa’t isa, walang problemang hindi nila kakayanin. Puwera na lang kung nawala na ang intensity sa kanilang relationship.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield