Bea Alonzo, inaakusahang suplada

ADVERTISING

Bea Alonzo, inaakusahang suplada

Bea-AlonzoNILAIT SI Bea Alonzo sa isang very popular website dahil sa hindi kagandahang ipinakita raw nito sa mag-asawang fan niya.

Nagpa-picture kasi sa kanya ang magdyowa at na-sense raw ng couple na hindi at ease si Bea dahil lukewarm ang reception nito sa kanilang request. Although naki-pose naman sa kanila ang dyowa ni Zanjoe Marudo ay kitang-kita naman daw sa mukha nito na napililitan lang siya. Ayun, she was accused of being suplada. Parang diring-diri pa raw si Bea.

Apparently, merong nagpadala ng photo and message sa Fashion Pulis kaya naman umani ng katakot-takot na lait ang dalaga.

“Anobeehh! ilang segundo lang para magpa-pic, di pa ba mapagbigyan ang fans? Malaking abala ba yon sa kanya??” say ng isang iritadong fan.

ADVERTISING

“Nakita ko xa once, sa shooting ng movie with John Lioyd, di naman nilalapitan ng fans pero mano man lang mag-smile. Haay mga artista nga naman,” chika naman ng isa pa.

“iba naman kasi yung pagmamaldita sa taong humahanga sa knya. sana nagmaldita sya sa mga chumichismis sa kanya at taong ayaw nya. ok lang. pero ung in-admire ka na ng tao e mandidiri ka pa, iba naman un,” esplika ng isang anti-Bea.

Bea’s fans came to her defense with one saying, “Diri talaga?..madaling manira at ang masakit na katotohanan ang dami kagad naniniwala,pano kung sabihin ko maganda ang na experience ko kay bea at marami na din sa akin nag sabi na mabait talaga si bea,ang hirap kasi iba makapag kwento eksaherado.”

“Girl, mukhang busy naman kc ata c Bea nung nagpapic kayo. Wag ka namang oa manira diyan! Hindi sa lahat ng pagkakataon e ok magpapic sa mga artista. Baka naman kc na-invade nyo ang privacy nya kaya wala cya sa mood!” opined one girl.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING