Bea Alonzo, inaabangan kung kailan makikiuso sa kasalan sa showbiz

ADVERTISING

Bea Alonzo, inaabangan kung kailan makikiuso sa kasalan sa showbiz

Bea-AlonzoMARAMI TALAGA ang nag-aabang kung kailan din makikiuso si Bea Alonzo tungkol sa nauuso ngayon sa showbiz na sunud-sunod na pagpapakasal. Nauna na nga kasi sina Marian Rivera-Dingdong Dantes, Heart Evangelista-Senator Chiz Escudero, Toni Gonzaga-Direk Paul Soriano habang nalalapit na rin daw ang pagpapakasal nina Angel Locsin at Luis Manzano. Nagtatagal na nga naman kasi ang relasyon ng Kapamilya star kay Zanjoe Marudo.

Kahit naman napababalitang nagkakaroon ng gusot ang relasyon nina Bea at Zanjoe, paulit-ulit din naman na napabubulaanan na okey pa rin naman sila. Pareho naman kasi silang dalawa na naniniwalang ang mga tampuhan at konting gusot sa relasyon ay okey lang para mas lalo pang tumatag ang kanilang relasyon at mas lalo pa nilang makilala ang isa’t isa hanggang sa huli nga ay maging desisyon na nila ang magpakasal na rin.

Sa totoo lang din naman, kahit iniintrigang mas sikat si Bea kumpara kay Zanjoe, deadma lang sila sa nasabing isyu. Hindi naman kasi mayabang ang matangkad na actor, kahit sa ngayon ay pambida na siya at maraming nakalinyang pelikula at teleseryeng gagawin. Si Bea naman, patuloy pa rin sa pagbongga ang career, dahil sina Dawn Zulueta at Richard Gomez na ang naglalakihang mga artsitang kasama niya sa pelikulang The Love Affair ng Star Cinema. Patunay lamang na patuloy na nagrereyna ang magandang aktres sa Kapamilya Network.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING