Bea Alonzo, hinahanap-hanap si Derek Ramsay

ADVERTISING

Bea Alonzo, hinahanap-hanap si Derek Ramsay

Bea Alonzo, hinahanap-hanap si Derek Ramsay
Bea Alonzo

MAY DAHILAN kung bakit medyo nawawala si Bea Alonzo sa mga eksena sa showbiz. Matagal-tagal din kasi siya hindi nakikita sa telebisyon at magkaroon ng pelikula.

Ang rason ng dalaga, sa kabisihan marahil sa paggawa niya ng teleserye noon, ang A Love To Last kung saan halos araw-araw siya nagte-taping for the serye.

Paliwanag ng aktres: ”Because I was busy doing “A Love To Last.  Na-extend ‘yung
soap kaya po buong taon, ‘yun lang ang pinagkaabalahan ko. And almost everyday po kaming nagti-taping, so wala po talagang room sa schedule ko to do a film.”

Kaya naman with her new film project na “Kasal” under Ruel Bayani ay magiging excited at happy ang mga solid fans ng aktres sa project niyang ito
para sa Star Cinema with Paulo Avelino and Derek Ramsay as her leadingman.
   

ADVERTISING

Kung hindi ako nagkakamali ay pang- 3rd time na nila ni Derek na magkasama sa pelikula.

Una was in 2017 via the movie One More Chance at ang And I Love Your in 2009.
In  short, wala na sila ilangan ni Derek sa mga love scenes nilang dalawa.

After awhile at nakasama muli sila, kamusta kay si Derek as leading man niya? 

“It feels good na makatrabaho ulit si  Derek,” kuwento niya during the grand presscon ng pelikula na naka-schedule na ipalabas sa May 16.

“Ewan ko, may iba sigurong chemistry, ‘yun ang napi-feel ko at least, when doing a scene together. Parang napi-feel ko ang dali ng lahat, nagkakaintindihan kami. And nung napapanood ko sa monitor, pag preview, natutuwa ako.  
   

“Sabi ko, nami-miss ko talaga si Derek sa isang Star Cinema movie. At lagi kong sinasabi sa past interviews ko, na si Derek is born to be a leading man. Kasi ang gwapo, oozing with sex appeal and he’s a good actor. Parang may mga tao talaga na ganyan, born to be an actor, to be a leading man.”

Sa movie, si Paulo ang fiancee ni Bea at si Derek naman ang tila third party sa relasyon niya kay Pau na dahil sa pagsulpot ni Derek sa relasyon nila ay magkakaroon ng madaming conflict sa pagmamahalan nila.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING