Bea Alonzo, gustong sumunod kay Tita Cory? by Ronnie Carrasco

Bea Alonzo, gustong sumunod kay Tita Cory? by Ronnie Carrasco

Bea Alonzo, gustong sumunod kay Tita Cory? by Ronnie CarrascoMINSAN PANG NAGPAMALAS ng likas na yata at sagad-butong kabastusan si Willie Revillame nang  almahan nito noong Lunes ang pagsasahimpapapawid nang livew feed sa funeral convoy ni dating Pangulong Cory Aquino na nakasagasa ng ilang bahagi ng Wowowee.

Ito ang eksaktong linya ng dismayadong si Willie, “Ano ba ‘yan? Kung gusto n’yo ipakita ‘yan, ‘yan na lang. Kung ako, ako lang. Nagsasaya kami dito sa show na ito. Ayusin n’yo na ‘yan!”

Hindi ko mabilang kung naka-ilang strike na si Willie na laging ipinapahamak ng kanyang sariling bibig. If Kris Aquino was once labeled as taklesa (who boldly spoke her thoughts), how tacky naman could Willie be?  Nangangahulugan lamang na ang kawalan ng respeto at pagpapa-iral ng kabastusan ni Willie ay kakapusan din ng sense of history.

Ang istasyon, ang pinaglilingkuran ni Willie ay isang kompanyang ipinasara ng rehimeng Marcos. But the Lopwez-owned network had seen the light of day again sa ilalim ng panunungkulan ni Cory kaya  gano’n na lang ang malaking pagtanaw ng utang na loob ng pamilya Lopez sa mga Aquino.

Nakuha pang mangatwiran ng kolokoy na  na no malice intended daw ‘yon. Habang pinipilit niyang pinapasaya ang mga manonood ay siya naming pagparada  ng kabaong ni Cory. Kumuha na ng pinakamagaling na defense lawyer si Willie, iluwa pa niya si Pilosopong Tasyo mula sa pahina ng mga nobela ni Jose Rizal , pero anumang paliwanag to justify what  apparently was the highest form  of disrespect for the dead (notwithstanding Cory’s iconic status) ay walang kapatawaran.

Hintayin lang ng bastos na TV host na ito na humupa ang euphoria kay Tita Cory, abangan niya what Kris has to say.

In the meantime, I believe that ABS-CBN has to urgently put its foot down: hahayaan ban g istasyon na sirain ng iisang tao ang mga negosyong naibalik sa kanila?

At sa paulit-ulit na kapalpakan ni Willie, hihiramin ko ang mga katagang nagpatalsik sa mga Marcos noong 1986 : « Tama na, sobra na, palitan na! More than Startalk, ABS-CBN must exercise Tigbak Auhority!

HALOS MALUNOD SI Bea Alonzo sa mga papuring iginawad sa kanya ng kanyang mga co-stars sa And I Love You So, the most flattering of which came from seasoned actress Coney Reyes, her mother-in-law in the movie .

Bata pa lang daw si Bea nu’ng pinapanood siya ni Coney na agad napabilib sa lalim ng acting nito. Lalo pang na-validate ang paniwala ni Coney nang makatrabaho niya ang aktres na ayon sa kanya is onw who’s willing to learn and hone her creft.

The “next important star” ng ang bansag ni Coney kay Bea who’s so much unlike other stars in the present generation. ‘’Yung iba, nakaisang hit movie lang, akala na, eh, that’s it,” obserbasyon ni Coney without naming names. Obviously touched si Bea sabay sey na “Puwede na akong sumunod kay Tita Cory!”

The next important icon?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III