Bea Alonzo, for the love ang todong suporta sa activities ni Gerald Anderson

ADVERTISING

Bea Alonzo, for the love ang todong suporta sa activities ni Gerald Anderson

Bea Alonzo and Gerald Anderson
Bea Alonzo and Gerald Anderson
Gerald Anderson
Gerald Anderson

Wala mang kumpirmasyon na sila na muli ni Gerald Anderson, hindi idini-deny ni Bea Alonzo na nag-e-enjoy siya kapag kasama niya ang binata.

Ilang pagkakataon na ka-join ang aktres sa mga gimmick ni Gerald. Nand’yang kasama si Bea sa hiking ni Geh sa Subic kamailan na naging viral ang tsika. Almost two weeks ago, kasama rin ng binata ang dalaga sa Cebu. Last weekend, super ang suporta ni Bea sa kanyang “boyfie” sa isang event na isinagawa sa Pampanga, kung saan sumali sa isang event ang actor na combination ng running at biking na ang tawag nila ay duathlon, na kapag kasama ang swimming ay triathlon.

For the love of Gerald ang ginagagawa ni Bea na kay agang gumising para sa event, na imbes ipahinga ay all-out ang suporta ng aktres sa binata. Sa katunayan, nakapag-adjust na rin si Bea sa non-showbiz friends ni Gerald, na after ng adventure events ng binata, ka-join din si Bea sa gimikan nila.

Recently, naging usap-usapan din ang “hawak-kamay” nina Gerald at Bea na nakunan ng picture at nailagay sa social media.

ADVERTISING

Aminado ang aktres na lumalabas sila ni Gerald and they enjoy each other’s company.

Sabi ni Bea sa isang interview recently, “Oo we go out. We go out naman. We’re friends. Hindi naman kami nagtatago. We go out. Wala namang masama. Parang wala naman kaming nasasaktan.”

In short, hindi nila inililihim ang mga pagtatagpo nilang dalawa. Tutal naman, pareho silang “Status: Single”.

Basta ang panigurado ng aktres, hindi sa kanya magmumula ang pag-amin sa estado nila ng binata kung napapanahon na amin na nila na “sila” na ngang dalawa.

Tama, pangit nga naman na kay Bea magmumula ang pag-amin.

Ano ba, Gerald? Aminin na kasi.

Ewan ko kung bakit pinatatagal pa ng binata at kung anong drama. Tutal pareho silang “free” at walang commitment at mahal naman nila ang isa’t isa. Bakit pa pinatatagal?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING