Bea Alonzo, ‘di raw sila nagtatago ni Gerald Anderson

ADVERTISING

 alt=

Bea Alonzo & Gerald Anderson
Bea Alonzo & Gerald Anderson

Kahit matagal nang naipalabas ang pelikula nilang “How To Be Yours”, aminado si Bea Alonzo na madalas pa rin silang lumalabas ni Gerald Anderson.

Sa interbyu sa aktres sa launch ng isang brand ng camera kamakailan, sinabi ni Bea na, “Oo, we go out. We go out a lot, with friends.”

Kalat nga sa social media ang “bonding moments” nina Bea at Gerald sa iba’t ibang lugar kasama ang mga non-showbiz friends, at wala raw nakikitang masama roon ang aktres.

“Hindi naman kami nagtatago. We go out. Wala namang masama. Parang… wala naman kaming nasasaktan,” katuwiran ni Bea.

ADVERTISING

Sa kabila naman ng pagtanggi ni Bea na tukuyin ang estado ng relasyon nila ngayon ni Gerald, siniguro naman niya na hindi niya ipagdadamot sakaling magkaroon ito ng development.

“Ise-share namin. It’s not something that we will keep a secret,” pahayag pa ni Bea.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING