Bea Alonzo, ‘di nagmamadaling magpakasal

ADVERTISING

Bea Alonzo, ‘di nagmamadaling magpakasal

Bea-AlonzoNASA TAMANG edad na rin naman si Bea Alonzo para mag-asawa kung iyon ang kanyang magiging desisyon. Kaya lang, kahit laging nagtatagal ang kanyang mga pakikipagrelasyon, hindi niya minamadali ang tungkol sa pagpapakasal. Unang dahilan na nga siyempre ay patuloy pa ring gumaganda ang kanyang showbiz career, dahil pambida pa rin siya sa mga teleserye at pelikula. Malaki ang tiwala sa kanya ng ABS-CBN.

Kung tutuusin ay todo-bigay naman talaga si Bea kung magmahal. Pero ang positibo sa kanyang ugali, propesyunal siya sa kanyang trabaho bilang artista, kaya naman walang sumasabit kahit pa mayroon siyang karelasyon. Iningatan talaga niya ang magandang tsansa, na nu’ng lumamlam na ang popularity nina Judy Ann Santos at Claudine Barretto sa paggawa ng mga serye, isa siya sa mga pinasikat ng Kapamilya network, na nagrereyna sa pagbibida sa mga teleserye.

Kahit todo-biday si Bea kapag mayroon siyang karelasyon, hindi niya hinahayaan ang kanyang byuti na magmukhang laspag. Importante nga naman kasi bilang artista ang hitsura. Tingnan ang mga anggulo niya sa mga eksena niya sa teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon dahil fresh na fresh pa rin talaga ang ganda ng kanyang hitsura na dapat taglayin ng isang artistang nagbibida.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING