Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, nawawalan na ng oras sa isa’t isa?

Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, nawawalan na ng oras sa isa’t isa?

Bea-Alonzo-Zanjo-Marudo‘DI NGA ba’t kumalat ang tsismis na on the rocks na ang relasyon ng magkasintahan na sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo? Kasi ba naman, naging basehan nila ang statement kamakailan ng aktres na sinabi nito at inamin na “may problema” sila ni “Z” (palayaw ni Zanjoe).

Napansin kasi ng marami, lalo na ang mga usyusero sa social media na sa bakasyon kamakailan ni Zanjoe (dalawang linggo siyang nagsolo at nagbakasyon sa Spain), hindi raw kasama ang kapartner, na rason para pagdudahan na ang relasyon ng dalawa ay nasa alanganin. In short, malapit nang mag-split ang dalawa sa kadahilanang silang dalawa lang talaga ang nakaaalam.

Sabi, sa kabisihan ng dalawa sa kani-kanilang mga showbiz careers, hindi maiiwasan na magkaroon sila ng problema sa isa’t isa.

Sa recent event ng ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) sa London, pansin ng mga Pinoy na nakasaksi sa dalawa habang nagpe-perform sa pa-event ng TFC na tila wala namang nagbago sa closeness at sweetness ng dalawa. Sa katunayan, panay ag holding hands nila at si Z, palaging nakaangkla ang braso sa balikat ni Bea.

Sa ngayon kasi, super busy si Bea for her film The Love Affair from Star Cinema na ipalalabas na come August 12 kaya ngaragan, ‘ika nga, ang schedule niya. At si Z naman, bukod sa comedy show niya sa Kapamilya Network, busy rin sa ilang mga personal na gawain na nakakabalam din sa “schedules” nilang dalawa.

Reyted K
By RK VillaCorta