Bea Alonzo at Paulo Avelino, nakitang magkasama sa Singapore

Bea Alonzo at Paulo Avelino, nakitang magkasama sa Singapore

Bea Alonzo and Paulo Avelino
Bea Alonzo and Paulo Avelino

Kung hindi si John Lloyd Cruz ang bagong boyfriend ni Bea Alonzo tulad ng kumpirmasyon ng aktor kamakailan, ang latest, si Paulo Avelino diumano ang “bago” ni Bea after ng relasyon nila ni Zanjoe Marudo.

Yes, ayon sa tsika, nakita diumano sina Bea Alonzo at Paulo sa Singapore last Holy Week.

Hindi lang nilinaw ng source namin kung bukod sa dalawa ay may iba pang kasama ang dalawa.

Naispatan sa St. Regis Hotel ang dalawa, ayon sa kumakalat na tsimis.

I just  don’t know kung ang kaganapan na ito ay may kinalaman naman sa isang project ni Bea with Enchong Dee, na ayon sa impormasyon na nababasa namin sa Instagram ay tila may project na ginagawa sina Bea at Enchong.

At si Paulo Avelino? Malay namin at baka kasama rin sa proyekto ng dalawa (Bea and Enchong).

Kaya kung ang sightings kina Bea at Paulo recently sa Singapore ay totoo at walang kinalaman ang sinasabing “project” ni Bea, huwag nang magtaka ang mga fans ng dalawa kung bukas makalawa ay sina Bea at Paulo na ang magkarelasyon.

Reyted K
By RK VillaCorta