Bea Alonzo at Marian Rivera, pinipilit pagsabungin

ADVERTISING

Bea Alonzo at Marian Rivera, pinipilit pagsabungin

Bea Alonzo at Marian Rivera, pinipilit pagsabunginPARA SA amin, hindi dapat pagsabungin sina Bea Alonzo at Marian Rivera, kung saan balita na nagpadala ng pastries ang huli para kay Bea dahil katambal ito ng boyfriend na si Dingdong Dantes sa pelikulang ginagawa nito ngayon sa Star Cinema.

Hinahaluan pa lalo ng intriga na kahawig daw ni Bea ang dating na-link kay Dingdong na si Bela Padilla, alam naman ng lahat na masaya at kuntento sina Bea at Dingdong sa kanilang buhay pag-ibig kung kaya’t hindi tama na palabasin na naaalarma raw si Marian sa pagpapareha ng dalawa.

Bea Alonzo at Marian Rivera, pinipilit pagsabunginBukas si Dingdong sa pagsasabi na nakikita na niya kay Marian ang babaeng gusto niyang pakasalan at sa tinatakbo ng kanilang relasyon ay nakikitang lumalalim at tumatatag ito. Sa parte naman ni Bea ay kitang-kita naman dito ang kakuntentuhan at saya nito sa piling ng boyfriend na si Zanjoe.

Kung may gawin mang good gesture si Marian para pasalamatan si Bea dahil sa kabaitang pinapakita nito sa kanyang boyfriend, ‘di na dapat lagyan pa ng malisya ng ibang tao at gawan ng intriga. Sa tingin namin, wala ng lugar ang selos sa relasyon sa ngayon nina Dingdong at Marian at kampante na sila sa kung ano ba ang lugar nila sa puso ng bawat isa, lalo’t marami na ring napagdaanan ang kanilang relasyon na matagumpay naman nilang nalagpasan.

ADVERTISING

 

Richard Poon, ayaw pang magbuntis si Maricar Reyes

 

SA INTERVIEW ng Cinema News kay Richard Poon nu’ng nakaraang Linggo sa ASAP 2013, agad na kilnaro sa amin ng singer na hindi pa buntis ang asawang si Maricar Reyes gaya ng nababalita.

Ayon kay Richard, handa na naman sila kung saka-sakaling magbuntis nga ngayon si Maricar, pero mas gusto niya na mangyari pa ito isa hanggang isa’t kalahating taon kung saan maibibigay niya muna nang buong-buo ang pagmamahal, atensyon at oras sa asawa bago pa man sila magkaanak.

Aminado na sa ngayon ay nasa adjustment period sila ni Maricar, kung saan ngayon niya natutuklasan ang mga bagay-bagay sa asawa. Isa na rito ay ‘di pala ito mahilig sa itlog samantalang paborito naman niya ito. Maaga namang matulog ang aktres samantalang sanay naman siyang mapuyat dahil nagbanda siya noon bago pa man pumalaot sa showbizness. Mga pagkakaiba na ayon nga kay Richard ay alam niyang nagdadagdag ng tamis sa pagsasama nila ng asawa, ilang buwan pa lang kinakasal at ngayon niya unti-unting nakikilala ang asawa.

Masaya rin dahil nag-gold ang album niyang Legends na kauna-unahan niyang pop album pagkatapos maging matagumpay ang lima niyang naunang mga albums na pawang jazz at big bands songs. Ito ay sa ilalim ng Universal Records, para kay Richard ay sobra niyang naa-appreciate na nag-gold ang album niyang ito dahil alam niya kung gaano kahirap magbenta ng album ngayon. Pero sa kabila nito ay patuloy siyang sinusuportahan at tinatangkilik ng kanyang mga tagahanga.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING