Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, pagbibigyan ang kasabikan ng fans

ADVERTISING

Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, pagbibigyan ang kasabikan ng fans

Jonh-Lloyd-Cruz-Bea-AlonzoKAKAIBANG MAGTRABAHO sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, dahil lagi lang silang tahimik at halos puro tungkol sa kanilang lovelife ang napapag-usapan sa showbiz. Pero nanggugulat na lang sila, dahil muli na naman nilang mapagbibigyan ang kasabikan ng kanilang mga fans, dahil pagkatapos ng matagumpay na pelikulang The Mistress na kanilang pinagsamahan, muli na naman silang mapanonood sa pelikulang A Second Chance ng Star Cinema, mula sa direksiyon ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Bago nagsulputan sa bakuran ng Kapamilya Network ang tambalan ng kung sinu-sinong bagets na umaariba ngayon sa showbiz, subok ang tambalan nina Bea at Lloydie, dahil mayroon talaga silang kakaibang chemistry, kahit sa totoong buhay ay wala naman silang naging relasyon. Panalong mga pagsasama ito, dahil si Direk Cathy ang laging humahawak ng mga nauna nilang pelikula na umaapaw talaga sa kilig ang mga tema. Bilib si Direk Cathy sa tambalan nina Bea at JLC, dahil pagdating sa trabaho ay sobra silang kumportable sa isa’t isa.

Hindi pinagtapat ng panahon sina Bea at John Lloydie. Bagay naman sila, pero sa totoong buhay ay naging magkaibigan lang talaga sila. Nakaaaliw ang kanilang respetuhan, dahil pareho naman silang sinuwerte sa career sa pagpatok ng kanilang tambalan kahit madalas silang paghiwalayin sa kani-kanilang mga proyekto. Para silang langis at tubig, na hindi nagkatugma ang mga puso sa tuwing papasok sila sa relasyon. Si Bea ay para kay Zanjoe Marudo, at si JLC ay para kay Angelica Panganiban. Parehong maalaga sa pakikipagrelasyon sina Bea at LLoydie, dahil tumatagal ang kanilang mga pakikipagrelasyon. Magtagal din kaya sina Bea at Lloydie kung sila ang naging magkarelasyon?

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING