Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, ‘di makapaniwala sa tangkilik ng publiko sa sequel ng movie

ADVERTISING

Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, ‘di makapaniwala sa tangkilik ng publiko sa sequel ng movie

Bea-Alonzo-John-Lloyd-CruzTwice na naming napanood ang A Second Chance at ang haba pa rin talaga ng pila sa mga sinehan. Iba talaga ang magic ng tambalang Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, huh!

May nakita rin kaming mga bagets na nanonood kasama ng kanilang parents. Ginawa talagang family bonding ang panonood ng A Second Chance.

As of last Monday (Nov. 30), over P200 million na ang kinita ng A Second Chance. Take note, wala pang one week ‘yon, ha? Holiday nu’ng Lunes kaya doble ang dami ng sumugod sa mga sinehan para mapanood ang pelikula.

Kung tuluy-tuloy ang ganitong trending, hindi malayong kumita ng P500 million ang A Second Chance.

ADVERTISING

Sobrang overwhelmed naman sina Bea at John Lloyd sa pagtanggap ng tao sa panibagong istorya nina Popoy at Basha. Hindi raw nila ini-expect na maghi-hit nang ganun ang sequel ng One More Chance.

“Unexpected po talaga, pero maraming-maraming salamat sa pagmamahal nila kay Popoy at Basha,” pahayag pa ni Bea at Lloydie.

After A Second Chance, mga pelikulang pang-MMFF naman ang dapat abangan ng mga tao from Star Cinema. Ito ay ang mga pelikulang All You Need Is Pag-ibig nina Kris Aquino and Derek Ramsay at ang Beauty And The Bestie nina Vice Ganda, Coco Martin, James Reid, at Nadine Lustre.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING