Bea Alonzo at Jake Cuenca, binalikan ang nakakakilig na nakaraan

SI JAKE CUENCA ang latest celebrity guest ni Bea Alonzo sa kanyang Legit Lie Detector Test paandar sa kanyang YouTube channel. Kung fan kayo ng dalawa o ng isa sa kanila, aware kayo na for a time ay na-link ang dalawa sa isa’t isa.

Natatandaan namin na medyo bagong salta pa noon sa ABS-CBN si Jake at ginagawa ni Bea ang ‘I Love Betty La Fea’ nang mag-umpisa ang pagli-link sa dalawa.

Bea Alonzo at Jake Cuenca, binalikan ang nakakakilig na nakaraan
Bea Alonzo and Jake Cuenca

Ang unang tanong ni Bea kay Jake ay kung natatandaan pa niya kung kailan unang nagkrus ang kanilang landas. Yes ang sagot ni Jake at naalala niya na sa ASAP ito noong 2006. Nice nga raw si Bea.

Ang next question ay: “Have you ever sent me nude pictures?” na sinagot agad ni Jake ng “no” at nag-thumbs up naman ang polygraph expert na kasama nila.

Ang sumunod na tanong ni Bea ay “Have you ever forgotten a birthday, anniversary, or any important date?”

“Always! I’m bad with dates!” pag-amin agad ni Jake na sinang-ayunan ng polygraph expert.

Pagdating sa secret talent ni Jake, everything is out in the open daw.

Inamin din ng binata na kaibigan pa rin niya lahat ng kapatid ng kanyang mga ex-girlfriends at aprub ulit ang kanilang kasamang eksperto.

Pagpunta naman sa kanyang karera ay inamin ni Jake na isa siyang method actor at may naalala si Bea.

“Grabe totoo! Sa ‘Eerie’ (pelikula nina Bea at Charo Santos-Concio) guys, tinakot niya ako at nakatingin siya ng ganu’n (sabay muwestra).

“Iyak ako nang iyak hanggang dressing room. Tapos, nagpapaalam na siya sa akin wala na siya sa character niya hina-hug niya ako natatakot pa rin ako sa kanya,” kuwento ng dalaga.

“Naalala ko nu’ng in character ako tapos bubuksan mo ‘yung banyo tapos nasaktan ka, sabi ko, ‘sorry’ (nakakatakot na boses).”

Natawa nang bongga si Bea, “Multo tapos nag-sorry.”

Hindi nagsasabi ng totoo si Jake dahil sumagot siya ng “no” sa tanong ni Bea kung sa tingin niya ay mas magaling siyang aktor kumpara sa Kapamilya actors na sina Ejay Falcon, Joseph Marco at Paulo Avelino dahil thumbs down ang sagot niya ayon sa test.

Pero aminado si Jake na mas magaling umarte sa kanya si Zanjoe Marudo at thumbs up ang sabi ng polygraph expert.

Nang tanungin kung namimiss niya si Lovi Poe, ang sabi ni Jake ay ‘no’, pero iba ang lumabas sa lie detector test. Tinanong din kung nagkagusto siya sa dating co-star sa Los Bastardos na si Maxine Medina. Ang sabi niya ay ‘no’ at sumang-ayon ang polygraph expert. Iba raw kasi ang crush niya nun (we all know na si Kylie Verzosa ang bumihag sa puso niya).

Hindi naman itinanggi ni Jake na may nakaaway na siya na aktor noon, pero ayon kay Bea ay wala siyang nabalitaan. Inaalala namin ito at may isang insidente kaming naisip na hindi na namin isuspluk dito, huh! Check niyo na lang ang aming archives from more than ten years ago!

Never din daw nagpa-pack up ng taping si Jake at aminado rin siya na may nakatrabaho siya noon na hindi niya gusto.

Sa tanong kung may nasungitan na siya na fan, “Yes minsan may bad days. Minsan naglalakad kayo sa mall with your partner tapos biglang may magpapa-picture, so…” at thumbs up siya rito.

Pagdating naman sa diretsong tanong ni Bea kung nainlove si Jake sa kanya…

“Wow! ‘Yeah.” nahihiyang sagot ni Jake na aprub naman ng eksperto.

“Do you think it was a good decision that we decided to be just friends during the time na nag-date tayo before?” “At that time, no!” saad ng binata pero nag-lie siya kaya natawa nang husto ang aktres.

Sa tanong kung umaakyat si Jake ng ligaw noong bata-bata ito, “Yes and I’m still am.”

“Kuwento ko lang tutal past naman na ito. Hindi kasi ako nag-prom, so nu’ng nagdi-date kami ni Jake, dinala niya ako sa isang restaurant sa Katipunan.

“Sinurprise niya ako kasi masyado siyang ma-gesture na guy.  Pagdating namin sa Ninyo (Fusion Cuisine along Esteban Abada) ayaw magbukas ng gate, so ginawa niya, nagpaka-action star, umakyat siya sa gate, e, mataas ‘yung gate at binuksan niya.

“Pinasarado pala niya ‘yung restaurant ang daming mga flowers tapos nag-dance-dance pa kami ganu’n. Ganu’n siya ka-sweet na manliligaw,” kuwento ni Bea at nag-thank you agad aktor sa pag-alala ng aktres.

Dagdag ng aktres, “Kaya talagang he’s really a good catch.”

 

Previous article5 Things to Do in Seoul, South Korea
Next articleDonny Pangilinan at Belle Mariano bibida sa bagong Star Cinema movie