Bea Alonzo at Gerald Anderson, may balikang nagaganap?

ADVERTISING

Bea Alonzo at Gerald Anderson, may balikang nagaganap?

Bea Alonzo & Gerald Anderson
Bea Alonzo & Gerald Anderson

Bongga at tila may “back to each other’s arm” na hugot sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Mula nang magkasama ang dalawa sa pelikulang “How to Be Yours” ng Star Cinema, tila may balikang magaganap sa mag-ex.

Mula nang matapos ang promo ng pelikula nila, iisipin mo na roon na rin nagtatapos ng “samahan” ng dalawa. ‘Yun pala, tuluy-tuloy pa rin pala ang pagtatagpo ng dalawa.

Sa contract-signing ng aktres para sa isang endorsement niya, aminado si Bea na tila bumabalik ang dating closeness nila ng actor. Na naudlot noon.

ADVERTISING

Inamin ni Bea na lumalabas sila ni Gerald. Nasa proseso pa ang natatangkang pagbabalikan nilang dalawa. Nae-enjoy ng aktres ang kung ano man sila ni Gerald ngayon.

“Pero huwag nating pangunahan,” pahayag niya sa isang interview kamakailan.

Gayong positibo naman para sa aktres ang mag-rekindle sila ni Geh sa naudlot nilang relasyon noon, ibig sabihin, oks at may kapupuntahan ang regular nilang pagsasama.

Panigurado ni Bea, “We are really enjoying each other’s company.”

Dagdag pa ng aktres, “There are things na akala ko hindi ko kayang gawin, pero parang kapag in-encourage nila akong gawin, him and his friends, parang kaya ko pa rin palang gawin. It’s very, very interesting to know na mayroon palang other side of me that I haven’t discovered before and he helps me discover that side.”

Lalong naging close sina Bea at Gerald nang minsang mag-hiking trip sila sa Subic, kung saan bukod sa actor ay kasama nila ang friends nila.

Dahil sa regular nilang pagsasama at pagkikita, nagiging kampante muli si Bea na ang hindi niya nagagawa dati, ngayon ay keri na niya with the help of Gerald.

Kuwento ng aktres tungkol sa kanyang self-discoveries, “Marami talaga akong nalaman sa kanya. He is so passionate about helping others. I have never been close to a person na ganu’n ka-genuine and ka-passionate sa pagtulong sa iba at sa pag-i-improve ng sarili niya for the country and for other people.”

At least magandang simula ito sa muling pagiging close nilang dalawa.

Give Bea and Gerald two more months, sila mismo ang magde-declare sa public at sa media na muli silang nagkabalikan tulad ng pangako ng aktres.

Let us wait and see na lang. Very positive ako na magkakabalikan sila. Bet?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING