Bea Alonzo at Gerald Anderson, mauwi na kaya sa pag-iibigan ang pagsasama sa isang pelikula?

Bea Alonzo at Gerald Anderson, mauwi na kaya sa pag-iibigan ang pagsasama sa isang pelikula?

Gerald Anderson and Bea Alonzo
Gerald Anderson and Bea Alonzo

Mauwi kaya sa romance ang pagsasama nina Bea Alonzo and Gerald Anderson sa isang movie?

Nakakasa na ang pelikulang first time nilang pagsasamahan mula sa direksyon ni Dan Villegas. Nagkaroon na nga story conference kamakailan ang dalawa.

Say ni Bea Alonzo, noon pa dapat sila magsasama ni Gerald sa isang project, pero naudlot ito for some reason.

“Excited ako kasi parang matagal na. Laging almost dapat magtatrabaho kami, pero ngayon lang talaga natuloy. Baka ito ‘yung tamang timing,” say niya sa isang interview na lumabas sa isang website.

Actually, si Bea ang naging dyowa ni Gerald Anderson after his breakup with Kim Chiu. Na-bash nang husto si Bea, natawag na mang-aagaw, anaconda, ahas kaya naman mas minabuti na lang niya na layuan si Gerald.

Then came Maja Salvador at nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nila ni Gerald.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas