Bea Alonzo at Gerald Anderson, ‘di na promo ang ‘romansa’

ADVERTISING

Bea Alonzo at Gerald Anderson, ‘di na promo ang ‘romansa’

Bea Alonzo & Gerald Anderson
Bea Alonzo & Gerald Anderson

Hindi lang pang-showbiz, huh!

ADVERTISING

Tapos na ang showing ng pelikula nina Gerald Anderson at Bea Alonzo na “How To Be Yours”, pero tila on-going pa rin ang closeness ng dalawa na noong una ay iisipin mo na ang muling pagiging close ay pang-promo lang para sapelikula.

Pero kumita na ang romance movie nila. Happy na sina Geh at Bea sa resulta sa box-office ng pelikula na pinagsamahan nila, pero tuloy pa rin to a higher level ang “personal” relationship ng dalawa.

‘Di nga ba’t sa mga adventure activities ng binata, most of the time ay kasa-kasama niya ang aktres na patunay lang na naitawid na nilang dalawa na hindi na lang pang-showbiz itong sa kanila, kundi mas nag-level up na at tila seryosohan na.

ADVERTISING

Most of the time, ang “babe time” nila na pinauso sa kanilang movie ay magkasama ang dalawa. Kaya tanong ng mga maka-Gerald-Bea, sila na nga ba at nagkabalikan na?

Personal kong sagot, Yes! Sina Gerald at Bea, nagkabalikan na pero ayaw pa ring aminin na ewan ko kung bakit.

Huwag na kasing i-deny. Tutal nasa tamang edad na sila at wala namang kumokontra. Bakit i-deny pa?

Kayo rin baka may umusal pa ng dasal at baka sumabit pa ang perfect love team n’yo na hind lang pang-showbiz kundi pang-personal level na.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING