Bea Alonzo at Gerald Anderson, ‘di na kailangang tanungin kung sila na

ADVERTISING

Bea Alonzo at Gerald Anderson, ‘di na kailangang tanungin kung sila na

Bea Alonzo and Gerald Anderson during her birthday celebration
Bea Alonzo and Gerald Anderson during her birthday celebration

Ito na nga siguro talaga. It’s Bea Alonzo at Gerald Anderson na talaga at hindi nila kailangang lagyan pa ng label ang kanilang “relasyon”.

ADVERTISING

Sa special day ni Bea, kung saan nag-celebrate siya ng kanyang 29th birthday, sa dalawang birthday paandar para sa dalaga, si Gerald ay present at nakasuporta sa aktres.

Sa asalto na isinagawa noong Sunday, October 16, sa isang Pinoy restaurant sa bandang BGC, ang binata ay kasama na ng aktres hanggang sa araw ng kaarawan nito noong October 17. Sa second day celebration ng kaarawan ni Bea, sa isang resto naman sa Shangri-La Hotel sa The Fort.

Ngayon, kukulitin pa ba natin ang dalawa sa estado ng kanilang relasyon at magtatanong pa tayo kung sila na nga ba ang magkarelasyon?

ADVERTISING

No need. Kapag special day mo tulad ng birthday at kasama mo ang pinaka-importanteng tao sa buhay mo, heto na ‘to. Hindi ka na magtatanong. Magkukumpirma ka na lang.

In short, kumbaga sa Facebook status nina Bea at Gerald, silang dalawa ay both “taken” na.

No question pa na itatanong sa kanila kung sila na nga ba talaga. Getz?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING