Bea Alonzo at Dawn Zulueta, madugo ang kumprontasyon sa pelikula

Bea Alonzo at Dawn Zulueta, madugo ang kumprontasyon sa pelikula

Bea-Alonzo-Dawn-ZuluetaHINDI LANG pang-hugot ang confrontation scene nina Dawn Zulueta at Bea Alonzo sa pelikulag The Love Affair ng Star Cinema mula sa direksyon ni Nuel Naval. Madugo. Mataray. Lumalatay, kumbaga sa hagupit ng latigo.

Eksena ‘yun nina Tricia (played by Dawn) and Adie (Bea) over Vince, played by no less than Richard Gomez. Si Tricia, asawa ni Vince na tila napunta kay Adie na kung ano man ang dahilan ay malalaman natin sa kabuunan ng pelikula.

Knowing ang mga kuwentong love affairs (legal man o hindi), asahan mo na iba ang klase ng mga eksena ng pelikula ng Star Cinema, lalo pa’t ang cast ng obra ay mga de kalibre.

Maging ang application na Dumbsmash na uso ngayon sa mga netizens ay may sariling version ang naturang mainit na confrontation ng dalawa na nagkalat ngayon sa Internet.

Kung hindi ako nagkakamali, the last film of Bea was with Dingdong Dantes and Enrique Gil in She’s the One in 2013 and after the movie, tila nag-lie low ang aktres at nag-concentrate na lang muna sa kanyang lovelife with partner Zanjoe Marudo, na balita naman namin ay tila on the rocks based sa latest bakasyon ni Z (palayaw ng binata) dahil mag-isa itong nagliwaliw sa Europe minus Bea na dati-rati’y kapag nagbabakasyon ay magkasama palagi ang dalawa.

Reyted K
By RK VillaCorta