Bea Alonzo, aminadong may pinagdaraanan sila ni Zanjoe Marudo

Bea Alonzo, aminadong may pinagdaraanan sila ni Zanjoe Marudo

Bea-AlonzoAPPARENTLY, BEA Alonzo and  Zanjoe Marudo were the personalities subjected to a blind item in one popular website.

The website said that a couple was on the verge of breaking up because the girlfriend found out that her boyfriend is cheating on her. Na-dsicover niya ang pambababae ng kanyang BF nang tingnan niya ang mga messages sa cellphone nito. Doon niya nalaman na merong palang other woman ang kanyang boyfriend. Kaagad daw siyang nakipag-break sa BF.

Apparently, hindi ito ang unang pagkakataon na nambabae ang BF niya pero noong una ay napatawad niya. To get even, nakipag-date Daw ang girl sa isang hunk (most probably ay si Paulo Aveilino ang tinutukoy). And when the network executives got wind of the break up ay sinabihan silang magbalikan dahil marami silang project individually at baka maapektuhan ang kanilang career.

It was obvious na Bea and Zanjoe are going through a rough patch sa kanilang relasyon. Sa presscon ng The Love Affair ay kitang-kita sa reaction ni Bea na mayroon silang gap ni Zanjoe when asked about it. Inamin naman niyang may pinagdadaanan sila ni Zanjoe pero hindi siya nagbigay ng details.

Are Bea and Zanjoe the ones written in the blind item sa Fashion Pulis?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas