BB Gandanghari will have her own room at Mariel Rodriguez’ dreamhouse

ADVERTISING

BB Gandanghari will have her own room at Mariel Rodriguez’ dreamhouse

BB Gandanghari will have her own room at Mariel Rodriguez’ dreamhouse

TOTOO NGA BANG lalagay na sa tahimik o ikakasal na raw bago matapos ang taon ang nakatatandang kapatid ni Robin Padilla na si Rommel Padilla sa kanyang non-showbiz girlfriend na mas bata sa kanya?   

Usapang Padilla pa rin, balita namin ay may sariling kuwarto ang isa pang kapatid ni Robin na si BB Gandanghari (formerly Rustom Padilla) sa ipinapagawang bahay ng kanyang asawa na si Mariel Rodriguez-Padilla somewhere in Quezon City.

Kasalukuyang nasa Amerika raw si BB para diumano’y mag-soul searching.

ADVERTISING

 

NAPABALITA RIN KAMAKAILAN na happily engaged na raw sa kanyang boyfriend ang kontrobersyal at mahusay na aktres na si Maricel Soriano.

But how true ang nasagap naming tsika na naghiwalay na diumano ang dalawa, kaya depressed umano ngayon ang Diamond Star?

Nawa’y malampasan lahat ni Maria (palayaw ni Maricel) ang mga nangyayari ngayon sa buhay n’ya.

 

LOOKING FORWARD NA pala na magkaroon ng sariling anak si Joel Cruz. Naikuwento kasi nito sa amin na may kinuha siyang isang surrogate mother na magdadala para sa inaabangang supling ng negosyante.

Asawa ng kaibigang lalaki ng tinaguriang Lord of Scents ang magbubuntis na may kaukulang kabayaran.

Ang pagkakaalam namin ay mula sa isang foreigner, o kung hindi kami nagkakamali, ay isang Russian guy, ang sperm cell na binili ni Joel para ihalo sa egg cell ng baby maker alang-alang sa kanya.

Natawa naman kami nang aminin ni Joel sa amin nang makatsika namin ito matapos ang kanyang pictorial sa kanyang Aficionado fashion and scents store sa Farmer’s Plaza sa Cubao last week na nagdadamit babae raw siya nu’ng nasa high school pa lang siya kapag may pupuntahan daw silang party ng kanyang mga kaibigan.

Na-infect daw ang kanang tenga ni Joel, dahil sa pagswi-swimming sa kanyang rest house sa Tagaytay. Pero magkaganon man at kahit bumabagyo nu’ng araw ng pictorial na ‘yon ay nasa work mode pa rin daw ito.

 

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11 AM-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.
Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING