BB Gandanghari, warla kay Vice Ganda

ADVERTISING
RK Villacorta

KALOKA ang hanash ni BB Gandanghari sa kanyang sosyal media a few days ago.

War freak si BB na matagal na kinikimkim ang panglalait ni Vice Ganda sa kanya. Hindi lang kumikibo ito at kinikimkim lang ang sama ng loob sa panlalait sa kanya.

ADVERTISING
BB Gandanghari, warla kay Vice Ganda
BB Gandanghari and Vice Ganda

Kung tamaang bilang ko, matagal na ang kuda ni Vice tungkol ka BB na quiet lang ang dating Rustom Padilla (Rustom is dead wika ni VG) na hino-hold lang nito ang tunay na reaksyon.

Sa regular YouTube video blog niya, sumabog ang bulkan. Ratrat to death si BB laban kay Ganda. Say noon ni Vice, sa edad ni BB, isang ilusyon lang ang pagmo-model nito sa America. Walang modelo na edad 40 years old and above, kuda ni Vice na kinontrata naman ni BB dahil ang pagmo-model niya, she is classified as a 40+ model na hindi daw alam ng komedyante-host.

Hanash ni BB, hindi daw dapat Vice Ganda ang pangalan niya. To quote a part ng column ni Alwyn Ignacio sa entertainment portal na Showbiz Blah! : “‘Yong term na ganda shouldn’t be related to him kasi walang maganda sa kanya, honestly… hindi ako nangungutya, but really, base sa napapanood ko at nakikita ko, minus the wig, baka may maganda sa kanya, ‘yung wig. Honestly, maganda naman ‘yung wig. Walang maganda so hindi siya si Vice Ganda,” pahayag nito.

ADVERTISING

Wala pa reaksyon si Vice sa kuda sa warla mood ni BB. Kung saan aabutin ang baklaang ito, abangan natin. I’m sure masaya ito bilang miron.

ADVERTISING