BB Gandanghari sa naging relasyon kay Carmina Villarroel: ‘Right love pero wrong body’

ADVERTISING
Leo Bukas
MAY EMOSYUNAL na pa-throwback si BB Gandanghari sa kanyang vlog sa Youtube tungkol sa naging paghihiwalay nila noon ng dating asawang si Carmina Villarroel when he was still Rustom Padilla.

Three years ding nagkasama ang dalawa ngunit naghiwalay sila noong taong 1997. Ayon kay BB kung isa siyang tunay na lalaki ay liligawan pa rin niya at pakakasalan si Carmina.

BB Gandanghari sa naging relasyon kay Carmina Villarroel: 'Right love pero wrong body'
BB Gandanghari and Carmina Villaroel

“Marami ang nagtatanong, minahal ko raw ba talaga si Carmina? Honestly and true, oo. Ang pinakamasakit na nangyari kay Rustom, nu’ng dumating sa panahon na kailangan na silang maghiwalay,” simula ni BB sa kanyang vlog.

“It’s the fact na they thought they found the right love, para kay Rustom. Pero hindi na rin niya ipinaglaban kasi, at that time, binibigyan nila ng pagkakataon ang sarili nila na mag-isip.

“Napakabait ng Diyos, I hope si Carmina, ganito rin ang pakiramdam. I don’t wanna be selfish about it, pero itinuturing kong blessing si Carmina sa buhay ni Rustom,” dagdag niyang pahayag.

Pangarap niya rin daw noon ang makabuo ng pamilya sa piling ni Carmina.

ADVERTISING

“Ano ba ang pangarap ni Rustom? Magkaroon ng pamilya, magkaroon ng mabuting asawa, magkaroon ng mga anak, maging mabuting asawa, maging mabuting provider. Yun ang pangarap ni Rustom.

“And Rustom thought na si Carmina din yung babae para sa kanya to fulfill that dream, pero sa paglipas ng panahon, nagkakaroon ng mga… natutuklas mo kung ano ba yung katotohanan sa kaibuturan ng puso mo.

“So, while the relationship was going on until they lived together, nag-secret marriage, nagpakasal sila. Du’n unti-unting nararamdaman ni Rustom yung mga bagay na feeling niya bakit parang kulang. Dun unti-unting lumalabas yung insecurities bilang lalaki. Dahil siguro hindi na-resolve, ito yung sinasabi ko na this is the lesson learned here.

“Dahil sa in love and everything, akala ni Rustom, that will cover everything, pero hindi. Hindi mo puwedeng hanapin ang kaligayahan mo sa ibang tao,” ani BB.

Masaya naman daw siya kasama si Carmina kaya lang, “Rustom may be right, he may be happy with Carmina, but he wasn’t happy with himself. That’s the problem, kasi yung pagmamahal, walang question. Kung ako magiging lalake ulit, babalik, siya pa rin liligawan (ko).

“Hindi ko naman naiisip noon na bilang Rustom, magpapatawag ako na BB after 21 years or 31 years? I really don’t know. Sabi ko nga, it maybe the right love, but hindi lang wrong time, but wrong body,” emosyunal na paglalahad ni BB sa kanyang vlog.

ADVERTISING