BB Gandanghari, nandadamay ng iba sa kanyang kabaklaan!

BB Gandanghari, nandadamay ng iba sa kanyang kabaklaan!

BB Gandanghari, nandadamay ng iba sa kanyang kabaklaan!OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng mga eksenadorang chikadora. Ay, ambot! Mga oragon talaga, mabubuwang naman ako sa Earth!

Kasi parang napaka-big deal ng pagkikita nina Rustom Padilla (RIP) a.k.a. BB Gandanghari at Zoren Legaspi. Kasi nga naman, puro lang kaek-ekan ang nangyari. Parang ang dating, pinagseselos lang si Carmina, dahil talagang ilusyon ni BB na maging kamukha niya si Carmina at inirereto kay Zoren, dahil may nakapagbulong sa akin na may gagawing pelikula sina BB at Zoren na ang magpo-produce nito ay walang iba kundi si Robin Padilla na kapatid ni Rustom na pinatay na ni BB. At parang kilig na kilig talaga si Rustom kay Zoren!

Ang masasabi ko lang: ay, ambot! Doon sa sinabi niyang bading na sikat na guwapong aktor na naging lover ni BB, na sinasabing ex-BF din ng young actress na maikli ang pangalan, kaloka! As in mabubuwang na talaga ako sa Earth!

Kasi walang ibang sumagi sa isip ko at hula, na si Piolo Pascual na naman ang tinutukoy ni BB. Kasi nga naman, nagbubulungan pa sila na ang hula ko, si Piolo ang ibinulong. Kaloka, ha?!

Hula ko lang ‘yan, kasi marami talaga ang nabitin kung sino talaga ang tinutukoy ni Rustom na sikat na guwapong aktor na nakarelasyon niya nang mahaba-habang panahon, at sinabi pa niya na para makahinga na nang maluwag ang klosetang aktor sa kanyang pagpapanggap, mabuti kung magladlad na rin ito. Kasi nga naman, mula nu’ng binulgar ito ni KC Concepcion na hindi na happy sa pagkalalaki ni Piolo, kalat na kalat na sa buong mundo sa mga Filipino community ang pagigiging beki ni Piolo.

Kaya nga kung totoo na si Piolo ang sinasabi ni Rustom, ngayon lang ito mako-confirm, na totoo pala ‘yun sa pag-amin ni BB. Pero unconfirm pa rin, kasi hindi naman sinabi ni Rustom kung sino siya, kaya lang marami na naman ang makakating dila na hinuhulaan nilang si Piolo nga ‘yun. Pero kung ako ang inyong tatanungin bilang nakatatanda sa kanilang beki, kung bakla si Piolo, wala nang lalaki sa industry. At kung totoo man ito, ‘wag nang nandadamay pa si BB sa kanyang kabaklaan. ‘yun na!

 

SPEAKING OF KC Concepcion, tuloy pa rin pala ang tsika tungkol sa kanya at kay Jules Knight ng pop group na Blake. Kasi namataan ko sa tweet ni KC na sinabi niyang nagpapasalamat siya sa pagiging magkaibigan nila.

Sabi ni KC sa kanyang tweet: “I’ve enjoyed getting to know him in the last few months and i realized that the best i can offer him is friendship.”

At sinagot naman ng British singer sa kanyang post na: “i still mean what i said in manila i love you all and KC is a great friend.”

At ang bonga pa rito ay patuloy pa rin daw silang nag-uusap, at nu’ng pangalawang punta rito ng Blake, halos lumuhod daw itong si Jules para makipag-date sa kanya si KC.

Sana magustuhan na ito ni Sharon Cuneta para manahimik na ang fans na hanggang ngayon, umaasam pa rin na magka-balikan sila ni Piolo. May nagbulong nga sa akin na kung sakali mang mangyayari ito, ‘pag puti ng uwak at ‘pag itim ng tagak.

Sa bagay, sanay naman si KC sa mga foreigner, ‘di ba? Kasi halos doon siya nagdalaga sa Paris na walang ka-pares. Ibig kong sabihin, liberated na ang mga tao roon, kaya sometimes hindi maintindihan si KC sa kanyang kalandian. Korak!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding