BB Gandanghari, nabahag ang buntot kay Piolo Pascual!

ADVERTISING

BB Gandanghari, nabahag ang buntot kay Piolo Pascual!

BB Gandanghari, nabahag ang buntot kay Piolo Pascual!

 NABAHAG ANG buntot ni BB Gandanghari kay Piolo Pascual matapos na “ibulong” diumano nito na nagkaroon sila ng relasyon ni Papa P noong mga panahong hindi pa siya nakakapagladlad ng tunay niyang kasarian.

Usap-usapan, tumagal din daw ng almost one year ang relasyong Piolo at Rustom Padilla (BB Gandang hari), kung saan ang huli nilang pag-aaway ay nauwi sa sampalan at sa Baguio City pa diumano naganap ang break-up.

Hanggang ngayon, usap-usapan ang relasyong Piolo at BB. Iba’t ibang bersiyon ang naglalabasan, pero isa lang ang tiyak dito, hindi ito papatulan ni Piolo dahil kung si KC Concepcion nga ay “deadma” sa aktor, ito pa kayang si BB Gandanghari lang.

ADVERTISING

Sa kabuuan, matapos na “ibulong” ni BB kay Cristy Fermin sa programang Paparazzi ang pangalang Piolo, tila bulang naglaho ang aktor/aktres na kahit sa cell ay hindi na ito nagre-reply. Huh!

 

KUMPIRMADONG MAY relasyon na nga sina Iwa Moto at si Pampi Lacson. Kaugnay nito ay deadma, as in ayaw magbigay-komento ng may-bahay ni Pampi na si Jodi Sta. Maria.

Ayon sa aming source, bagama’t masakit para kay Jodi ang sitwasyon, mas minabuti nitong manahimik para na rin sa kapakanan ng anak na si Thirdy, lalo pa at lumalaki na ito.

Hindi tuwirang narinig namin, pero ayon sa aming source, sinisikap daw ni Jodi na maayos ang lahat sa kanila ni Pampi, pero paanong maayos kung may isang taong “nakakasira” sa relasyong puwede pang i-save.

Sa kabilang banda, sinasabi na ang isa sa tunay na dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Iwa kay Leandro Muñoz ay dahil kay Pampi. Ang katuwiran kasi ng aktres kaya raw siya nakipag-break kay Leandro ay dahil dito pa nga lang daw sa Pilipinas ay inaapi na siya nito.

Tanda pa namin ang huling binitiwan ni Iwa, niyayaya na raw siyang magpakasal ni Leandro, pero napag-isip-isip niya na kung totoong mahal siya nito ay hindi siya papipiliin.

“Ang sabi niya sa akin, mamili raw ako, ang family ko o siya. My God! Bakit ko naman siya pipiliin ay mas mahal ko siyempre ang pamilya ko dahil pamilya ko ‘yon, ‘di ba?”

Kaya mas minabuti raw ni Iwa na huwag nang magpakasal kay Leandro dahil feeling niya ay masasakal lang siya rito sa sandaling kasal na sila.

 

NAKARAMDAM KAMI ng matin-ding awa sa pamilya ni Beth Tamayo dahil mula nang magpa-kasal ito sa foreigner na boyfriend ay nagkawindang-windang na ang buhay ng dating aktres, kung saan ay gustuhin man daw nitong bumalik ng Pilipinas ay hindi magawa dahil sa mga legal na dahilan.

Isa raw sa big time druglord ang napangasawa ni Beth, kung saan ay matagal na itong pinaghahanap ng batas upang panagutin sa pagkakasala na ang higit na naapektuhan ay si Beth, dahil ni singkong duling daw ay walang iniwan sa aktres ang lalaking minahal na ngayon ay nagtatago sa batas.

At ang matindi pa rito, dahil sa dami ng utang na iniwan ng asawa ay maging ang mga personal na alahas ng aktres at mamahaling bag ngayon ng dating aktres ay unti-unti nang naibebenta ng kanyang ina na kamakailan ay nagbenta ng bracelet na worth P200,000, bukod pa sa mga branded na bag.

Nauna na ring naibenta diumano ng mommy ni Beth ang sasakyan nito. “Si Beth ang nag-utos kay Mommy na magbenta kasi wala silang gagamitin dito sa Pilipinas na pera kapag hindi nila ginawa iyon. Actually, hindi masisisi ni Beth si Mommy kasi bago pa iyan magpakasal sa drug lord na iyon ay paulit ulit na sinasabi ni Mommy na huwag magpadalus-dalos si Beth sa kanyang desisyon lalo pa at hindi pa niya masyadong kilala ‘yung taong iyon. Kaya ngayon, naaawa man si Mommy kay Beth ay wala siyang magawa dahil malayo kanya si Beth,” sabi pa sa amin ng baklitang malapit sa mag-inang Tamayo.

Sa kabuuan, sobra-sobra raw ang pagsisising naramdaman ni Beth dahil noong mga panahong nandito pa siya sa Pilipinas, bukod sa maganda ang kanyang career, marami siyang manliligaw na bachelor at hindi tulad ng napa-ngasawang pinaghahanap ngayon ng batas.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING