BB Gandanghari, mukha nang baklang-perya?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes, more chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly!

OMG! Kaloka naman itong Monday blues ko nang makita ko si BB Gandanghari sa picture! Hindi ko lubos-maisip na ganu’n ang magiging hitsura niya. Grabe, as in, ang payat! Tuyung-tuyo na akala mo drug user. ‘Di mo alam kung ano ang magiging reaksyon mo kapag nakita mo siya. 115 lbs na lang daw ang timbang ng hitad at ‘di mo alam kung sino ba ang ginagaya niya. Pilit nga raw ginagaya ang look ni Carmina Villaroel. Bakit?!

Pero sa nakikita ko sa TV, mabubuwang ako sa Earth! Sa true lang, naloka ako! Kasi ang lumabas na kamukha ay pinaghalong Mommy Dionesia at Ai-Ai delas Alas. At hindi rin pala totoong nagpa-sex change siya, at ang dating niya ngayon ay bastusing beki.

Mali ang nagsasabing mahinhin pa siya kay Mariel. Kasi si Mariel mismo ang nag-interview sa kanya sa isang talkshow. Ayon sa mga source ng mga kaparazzi natin, parang baklang perya ito. Pero wala naman tayong magagawa kung ganyan talaga ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Sabi nga niya, “gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin, wala akong pakialam sa mga gustong mag-react.”

‘Di ba, ang taray ng lola mo!

ANOTHER CHIKKA na naman tayo dahil isa pa itong chikka na nagmula sa mga source natin. After magpa-interview nang bonggang-bongga sa mga press at mukhang fav ng mga press interbyuhin dahil ayaw talagang tumanggi, mukhang ngayon ay pinagbabawalan nang magsalita ito tungkol sa relasyon nila ni P-Noy.

Bago mo ma-interview ngayon si Grace Lee, kailangang alam na niya ang mga itatanong mo at walang kinalaman tungkol sa relasyon nila ni P-Noy.

Hindi kaya pinagbawalan ito ni Kris? Kasi mula nang magkita at magkausap sila ay biglang may lumabas na marami nang bawal sa pagtatanong kay Grace. Ayun tuloy, wala nang may ganang mag-interview sa kanya.

Bakit naman kaya naging ganu’n bigla? Baka naman talagang pinagbawalan. Kasi akala mo naman ito si Grace Lee, tuluy-tuloy ang bibig, walang preno kung chumikka, ‘di ba?

Naku, ikaw na kasi ang GF, kaya ganyan! Hahaha!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleJose Manalo, napagod na sa asawang maraming utang?!
Next articleFeeling super sikat daw kasi Alex Gonzaga, tinalakan ni Dina Bonnevie?!

No posts to display