BB Gandanghari, baka magsisi lang sa pagpapalit ng ari

ADVERTISING

BB Gandanghari, baka magsisi lang sa pagpapalit ng ari

BB Gandanghari, baka magsisi lang sa pagpapalit ng ariOLA CHIKKA! Walang katapusang chikkahan to the maximum authority of chikka with your Tita Swarding!

Ngayon lang ako magko-comment sa mga ginagawang kabaklaan ni Rustom Padilla a.k.a. BB Gandanghari. Kaso nakakaloka ang mga pinaggagawa niya sa sarili niya na una, ang pagiging bakla niya mula sa pagiging lalaki niya as Rustom Padilla na nag- out ito nu’ng PBB, naging asawa ni Carmina Villaroel na pinakasalan naman ni Zoren Legaspi.

Kasi nga naman, hindi ito matanggap ng kanyang inang si Mommy Eva Cariño, kahit na medyo tanggap ni Robin na nakababata niyang kapatid ang pagiging bakla ni Rustom na sabi nga ni Robin, kung saan siya maligaya ay ok lang sa kanya.

Pero may bagong pasabog ngayon si BB na kagagaling lang niya sa abroad, na siya ay under ng isang psychiatric test para sa pagpapalit niya ng ari or sex transplant na ikinagulat ni Robin. As in, tahasang sinabi niya na hindi siya makapapayag na magpapalit ng ari si Rustom at ito ang isang bagay na hindi niya matatanggap. Kasi baka sakali raw magbago ang isip nito ay huli na.

ADVERTISING

At isa pa, bawal sa kanilang relihiyon ang ganitong pagpapalit ng ari ng isang lalaki para maging babae. Pero bago ‘yan, may sinabi pa si Rustom na ‘pag nagpapalit na siya ng kanyang ari ay magpapalit na rin siya ng kanyang pangalan from Rustom Padilla to BB Gandanghari.

Kung ako ang tatanungin, hindi rin ako pabor bilang bakla na magpapalit ng ari ito ay labag sa aking pagkatao na kung ano ang ibinigay sa ‘yo ng Diyos, tama na, ‘wag na tayong mag-ilusyon na maging isang tunay na babae. Na ibig kong sabihin, bakla ka na nga, masyado mo pang binabakla ang iyong sarili.

Sana mabasa ito ni Rustom hangga’t hindi pa huli. Kasi sa aking pagkakaalam, out of 100% na nagpa-sex transplant, almost 95% ang nagsisisi sa kanilang ginawa. Pero sabi nga, hindi natin p’wedeng saklawan ang kagustuhan ng tao. May kanya-kanya tayong desisyon. Ang sa akin lang naman, nagpaalala akong matakot ka sa Panginoon. ‘Yun lang!

 

SPEAKING OF paalala, sino ba raw ang nagbigay ng titulo kay Kris Aquino na Queen of All Media, na mukhang marami ang nagtataasan ng kilay.

Kasi nga naman, si Kris ay hanggang TV at pelikula lang. Kahit na tri-media, hindi siya puwedeng tawagin, kasi wala naman siyang radio program. Hindi naman siya nagsusulat. Paano siya matatawag na Queen of All Media.

Mas may karapat-dapat pa raw kay Kris, nand’yan si Korina Sanchez, Jessica Soho at Mel Tiangco. Kasi nga naman, sila ay may mga radio program, at the same time, nagsusulat din sa mga dyaryo.

Ilusyon lang ba ito ng fans ni Kris o sadyang ito ang ibinigay na titulo sa kanya? Kasi halos lahat ng star, may mga humahawak na titulo, like Superstar (Nora Aunor), Star For All Seasons (Vilma Santos), Diamond Star (Maricel Soriano), at Megastar (Sharon Cuneta).

Naalala ko kasi na dati, ang ibinigay na titulo kay Kris ay Novastar. Siguro ayaw niya, kasi may pagkatunog negastar, kaya mas pinili niya ang Queen of All Media na wala siyang karapatang tawaging queen kahit princess. Kasi marami ang nauna sa kanya na namayagpag sa media.

Ito ay tanong lang sa fans ni Kris, wala siyang karapatan. Say n’yo!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING