Bayad ng mga bisita!

ADVERTISING

Bayad ng mga bisita!

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED

 

Irereklamo ko po sana ang Taguig City Police Station sa loob ng City Hall Compound dahil may bayad po na entrance fee na P50.00 para sa bumibisita sa kulungan. Nakakasulasok din po ang baho ng kulungan. At hindi lang iyon, walang puwesto ng tulugan ang mga preso, nakatayo lang kapag matutulog. May ibinibigay ang bantay na pulis sa bawat bisita na listahang papel para dalhin ang mga sumusunod: garbage bag, apat na pirasong floorwax, dalawang albatros, anim na fabric conditioner, isang dish washing liquid, dalawang baretang sabon, 10 kilong bigas. May sinisingil din na P50.00 para sa pagtawag sa preso, picture – P50.00, at pondong P500.00.

 

ADVERTISING

Isusumbong ko lang po itong daan sa amin sa Sitio Maharlika sa Brgy. Alas-asin sa Mariveles, Bataan dahil ayaw ipaayos kahit may pondo naman ang barangay. Parang ilog ang daanan kapag may ulan at ang dulas na may matutulis na batong itinambak. Pakikalampag naman po ang mga kinauukulan. Salamat po.

 

Ako po ay isang concerned parent dito sa Quirino, Isabela at ilalapit ko lang po sa inyo ang problema ko sa guro ng anak ko dahil nananakit at nambabatok. Iyong anak ko nga po ay sinabunutan at hinampas sa likod. Sana po ay madisiplina ang gurong ito at matigil na ang pinaggagawa niya. Salamat po.

 

Isa po akong parent ng isang estudyante sa F. Benitez Elementary School sa Brgy. Sta. Cruz, Makati City. Kinausap kami ng parents na officer ng klase at humihingi sila ng P250.00 para pampagawa ng cabinet at pambili ng walis.

 

Irereklamo ko lang po ang teacher ng mga anak ko na naniningil ng P70.00 para pambili raw ng pintura na gagamitin sa mga upuan ng classroom nila. Dito po ito sa Poblacion Elementary School sa Kawit, Cavite.

 

Concern ko lang po iyong eskuwelahan sa Brgy. Avanceña sa Koronadal City dahil naniningil sila ng P600.00 sa bawat estudyante taun-taun. Isa pong public elementary school ang nasabing eskuwelahan.

 

Puwede pong pakibigyan ng konting pansin iyong mga overpass sa Rosario kahit iyon lang pong malapit sa Tramo. Wala kasing mga ilaw at nakakatakot maglakad.

 

Gusto ko lang ipaabot sa inyo ang ginagawa ng mga guro rito sa eskuwelahan sa Upper Bicutan, Taguig dahil sapilitan nilang pinabibili ang mga estdyante ng pagkain sa tray. Kahit na may dalang pagkain na baon ang bata ay pinipilit na bumili sa tinda nila.

 

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

ADVERTISING