Bayad na kasi: sexy actress, wa na pay sa P.7-M na utang sa gwapong actor-politician!

ANG ISANG gwapong actor-politician pala ay nagpautang sa isang sexy actress ng halagang P700 thousand! Grabe, laking halaga no’n, ‘di ba?

Siyempre, ang iisipin mo naman, sa’n galing ‘yon? Maiaalis mo bang hay, naku, galing din ‘yon sa buwis ng bayan, hindi ba?

Pero bayad na ba?

Nako, ‘yan na nga ang masaklap na katotohanan. Wa pa pay. At wala na yatang balak bayaran ng sexy actress ang utang sa gwapong actor-politician.

Eh, pa’no naman kasi, kasalanan din somehow ng politician, eh.

Nu’ng pinautang niya ang sexy actress, ni-one-night stand niya.

Hahaha! Yes, you heard it… este, you read it right. Na-one-night niya si Sexy Actress.

Eh, sabi nga ng source namin, “Juice ko, ‘eto namang gagong politician na ‘to, parang hindi naman niya naka-one-night stand ‘yan nu’ng hindi pa siya politician. Ngayon tuloy, pa’no niya sisingilin ‘yung babae?”

Me idea na ba kayo kung sino ang tinutukoy na aktres?

Tingin kayo sa langit at malalaman n’yo kung umaga, hapon o gabi na.

‘Yung actor-politician?

Ang pangalan niya’y kalyeng-kalye.

(By Ogie Diaz)