‘Bawal Lumabas: The Series’ nina Kim Chiu at Francine Diaz, mapapanood na rin!

Whether you love her or not, hindi maikakaila na si Kim Chiu ang isa sa pinakabusy at maituturing na ‘Pandemic Star’ noong 2020. Maliban sa kanyang afternoon series na Love Thy Woman with real-life boyfriend Xian Lim and Yam Concepcion (na ngayo’y bida sa Init sa Magdamag), pagbida sa horror film na U-Turn at pagpasok bilang isa sa new hosts ng It’s Showtime, certified hit din ang kanyang ‘accidental song’ na ‘Bawal Lumabas’.

‘Bawal Lumabas: The Series’ nina Kim Chiu at Francine Diaz, mapapanood na rin!
Kim Chiu and Francine Diaz

Kung noong una ay binash at pinagtripan ng madlang pipol ang ‘bawal lumabas’ statement ni Kim nang depensahan niya ang pagkansela ng prangkisa ng ABS-CBN, naging moneymaker naman ito para sa kanya. How? When a DJ made a ‘remix’ of Bawal Lumabas with a sick beat and a heartwarming penned lyrics by one of Kim’s fans na nagdepensa sa kanya, ito ay tinangkilik ng mga fans and bashers alike. May mga merch pa na binenta at biggest flex of them all? Nagkaroon pa ito ng digital series sa IWant!

 

Sa mga hindi aware, yes, nagkaroon po ng Bawal Lumabas: The Series na ngayon ay mapapanood hindi lang sa IWant kundi maging sa Kapamilya online! Ito ay kuwento ng isang OFW (played by Kim Chiu) na bumalik muli sa school para mas makabonding at makilala pa ang nakababatang kapatid na nagrerebelde (played by Francine Diaz).

So, sa mga bawal pang lumabas dahil hindi pa nabakunahan, nood na lang kayo! Sayaw na rin kayo ng KIMMI!

Previous articleKPOP Album Review: Don’t Fight The Feeling by EXO
Next articleVLOG WATCH: Arci Munoz’ BTS-inspired Car and Van Tour (BT21 Overload!)