Battle of the Hunks: Piolo Pascual VS Diether Ocampo, mamayang gabi na!

ADVERTISING

Battle of the Hunks: Piolo Pascual VS Diether Ocampo, mamayang gabi na!

Battle of the Hunks: Piolo Pascual VS Diether Ocampo, mamayang gabi na!
Diether Ocampo and Piolo Pascual

MAGKATUNGGALI SILANG DALAWA sa simula pa lang. Sila ang mahigpit na competitors sa estado na gusto nila kalagyan. Ang tinutukoy ko ay sina Piolo Pascual at Diether Ocampo.

 
Sa simula ng kani-kanilang showbiz careers, sabi ng ilan ay may labanan na pailalim sina Papa Pi at Diet. Sino nga ba sa kanilang dalawa ang mas sikat? Noong panahon ng The Hunks, sino ba sa dalawa ang mas malakas ang tili at following? Sino sa kanila ang mas magaling na lalong naging solido ang haka-haka nang pagsamahin ang dalawa sa The Hunks ng Kapamilya network.
 
Kahit hindi lang silang dalawa ang kasali sa grupo na kinabibilangan din nina Jericho Rosales, Carlos Agassi at Bernard Palanca, sina Piolo at Diether ang palaging napapansin. Sila ang palaging iniintriga at pinagsasabong kahit hindi sinasadya.
 
Mamayang gabi, magbabangayan ang dalawa sa ratings. Sino ang mas pinanood? Si Piolo ba sa magiging performance niya sa MMK ng ABS-CBN o si Diether  sa  Magpakailanman ng GMA-7?
 
Si Piolo ay tuloy-tuloy ang trabaho bilang isang artista at madami nang napatunayan sa larangan ng pag-arte habang si Diether naman ay nahinto sa showbiz at ngayon nga ay nagbabalik.
 

Mamaya ay magta-channel surfing ako between ABS-CBN and GMA.

 
Goodluck kina Papapi at Diet. May kumpetisyon ba talaga?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING