Basta raw kasing ganda ni Solenn Heussaff
Carla Abellana, payag magkaroon ng kissing scene sa kapwa babae!

ADVERTISING

<i>Basta raw kasing ganda ni Solenn Heussaff</i><br>Carla Abellana, payag magkaroon ng kissing scene sa kapwa babae!

<i>Basta raw kasing ganda ni Solenn Heussaff</i><br>Carla Abellana, payag magkaroon ng kissing scene sa kapwa babae!HINDI LANG mataas na rating kundi maganda rin ang review na nakukuha ng My Husband’s Lover, ang primetime series ng GMA-7, kung saan pangunahing tampok sina Carla Abellana, Tom Rodriguez, at Dennis Trillo. Talagang gabi-gabing pinag-uusapan ang bawat episode nito na nagti-trending pa sa Internet.

ADVERTISING

“Nakakagulat. And nakakatuwa siyempre,” sabi nga ni Carla nang makausap namin sa Sunday All Stars (SAS).

Na-surprise din ba siya sa nabuong TomDen loveteam nina Tom at Dennis? Na for the first time, parehong lalake?

“Ako ang nagbuo no’n, e,” natawang biro ni Carla. “Ako ang presidente ng fan’s club na ‘yon. So, siyempre natutuwa kami.  Hindi namin ini-expect ‘yon. Na-surprise kami na pumatok sa mga tao ‘yong loveteam ng dalawa. So, happy kami. ‘Di ba, pareho silang tunay na lalaki? Tapos gano’n na may kilig ang tandem nila. So, napaka-convincing nilang dalawa.”
Meron ding mga hindi kumporme sa tema ng istorya ng My Husband’s Lover. Pero hindi naman daw sila naba-bother sa mga negatibong komentrayo at pambabatikos ng iba sa show nila.
“Alam na naman namin ‘yon from the beginning pa lang, meron na ‘yon for sure. Nagulat nga kami na konti lang, eh. Konti pa rin kung tutuusin. ‘Yong lagay na ‘yan. Hindi naman lahat matutuwa. Siyempre meron pa ring mga hindi happy. Or against it pa nga. So, hindi na nakagugulat ‘yon. Walang problema.”

ADVERTISING

<i>Basta raw kasing ganda ni Solenn Heussaff</i><br>Carla Abellana, payag magkaroon ng kissing scene sa kapwa babae!Paano naman kung magkaroon ng version na ‘yong wife naman ang may lover na lesbian? Okey sa kanya kung saka-sakali na sa kanya i-offer?

“Why not! Baka nga gayahin ng kabila!” Biro pa niya. “Gawin nila… My Wife’s Lover! Ha-ha-ha! Sige, ita-try natin!”

Paano kung may kissing scene siya sa kapwa babae?

“Hindi naman pupuwede ‘yon sa MTRCB! Hahaha! At saka sa CBCP.”

Pero sa indie film, puwede ‘yong eksenang kissing scene sa kapwa babae?

“Depende siguro sa makakasama kong artista. Kung mga mala-Solenn Heussaff… gano’n kaganda, ‘di ba? Hahaha! Why not? Kaya ko ‘yan! Actually kahit sino. Basta… magaling din.”

Ano naman ang maipapayo niya sa mga girls na dahil sa tema nga ng story ng My Husband’s Lover ay nagkakaroon tuloy ng pagdududa kung straight na lalake nga ba ang boyfriend o husband nila?

“Huwag naman sana silang maging paranoid!” tawa na naman niya. Na hindi porke’t ‘yong character kong si Lally eh, kung anu-ano na ang ipinapasok sa utak dahil sa bestfriend niya, hindi naman lahat ay dapat na bigyan ng kulay. Pero mag-ingat lang naman din sila.”

Nag-birthday si Carla kamakailan. At kaugnay nito ay nagkaroon siya ng chance na makapagbakasyon kahit sandali lang. How was the said vacation niya sa Thailand?

“Masaya because I was with my best friend. Tapos first time namin na pumunta sa ibang bansa kasama ang ibang barkada namin. Kasama rin namin si Geoff.

“Sobrang saya namin. Although may mga hindi kanais-nais na nangyari roon dahil sa mga tao, masaya naman kami bilang grupo.”

Kumusta naman ang relasyon nila ni Geoff ngayon?

“Mabuti po. Honestly ako, sobrang busy. Almost everyday may trabaho ako at taping. Siya naman, busy sa pagpapapayat. Nagba-basketball siya. Nagba-boxing. Nagba-bike. Nagsi-circuit training. Lahat.”

Baligtad nga silang dalawa. Siya, pumayat at sumeksi samantalang si Geoff ay tumaba nang husto.

“Oo. Dahil siya ang kumain ng lahat ng pagkaing hindi ko kinakain. Siya ang tagasalo!” sabay tawang biro pa ni Carla.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING