Basketbolistang anak ng sikat noong basketbolista, na-kickout sa school

ADVERTISING

BLIND ITEM: Brutal frankness—as you may put it—pero cute para sa amin ang dating ng tinuran ng isang bagets born to a showbiz mom. Ka-namesake niya ang anak ng isang hoopster-turned-actor, sa parehong reputable school din sila nag-aaral.

“Well, that was before. I’m still studying at (name of school) while he got kicked out,” sey ng bagets. Asked kung bakit sinipa sa paaralan ang kanyang kapangalang nagkapangalan na rin sa pinili nitong larangan, “Poor grades.”

ADVERTISING

Nasa ibang eskuwelahan na ngayon ang na-expel na bagets, at a rival school. At bakit doon, usisa namin sa bagets, “Because it’s easier in the school he transferred to.”

Kaninong anak ang tinutukoy ng bagets na ‘yon? Itago na lang natin ang fadir sa alyas na Panjie Barabas.

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING
ADVERTISING