Bashers ni Gov. Vilma Santos, ayaw tumigil

ADVERTISING

Bashers ni Gov. Vilma Santos, ayaw tumigil

Vilma-Santos-RectoNAPAKA-UNFAIR TALAGA ng mga basher ng masipag na gobernadora ng Batangas at mahusay na aktres na si Gob. Vilma Santos. Dapat nang tumigil ang mga ito at tingnan na lang ang mga achievement na nakuha ni Ate Vi at ‘wag ang konting pagkakamali sa spelling na hindi naman nito intended.

Kung tutuusin nga, mas maganda pang pag-usapan at isa-isahin ang mga magagandang nagawa ni Ate Vi mapa-pulitika sa magandang record nito sa pagseserbisyo sa buong Batangas, o maging sa kanyang pag-aartista kung saan maraming makabuluhang pelikula ang nagawa nito na umani ng papuri at nagbigay ng maraming best actress thropies sa kanya.

Kaya naman, mag-isip-isip nga ang mga basher ni Ate Vi kung sila ba ay may maganda nang nagawa sa kanilang kapwa o may napatunayan na ba sila sa kanilang sairili na masasabi nilang achievements nila sa buhay bukod sa paninira. ‘Pag wala, tumahimik na lang siguro.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING