Basher ni Melai Cantiveros, biglang kambiyo; na-hack daw ang FB

Basher ni Melai Cantiveros, biglang kambiyo; na-hack daw ang FB

Melai Cantiveros
Melai Cantiveros

Melai Cantiveros’ basher named Shawie Constantino Enriquez denied na siya ang nag-wish na ma-rape ang anak ng komedyante.

“Sa mga nakaalam po ng balita tungkol sa amin ni Ms. Melai Cantiveros, nais ko pong ipaalam sa inyo na hindi po ako ‘yung taong nagmessage sa kanya. Hindi ko po nila-log out ang fb account ko sa cellphone ko, pero nung sabado po ng gabi nagtaka ako dahil andaming nagpapaadd sa fb ko at nagtatag ng mga pictures ko na kung saan sinasabing nagmessage ako kay Ms. Melai. Pagkatapos po nun hindi ko na mabuksan ‘yung dating fb account ko. Ako po at nagulat at sobrang nanlumo noong nakita ko ang mga lumalabas na balita.

“Legit account ko po ‘yun kaya hindi ko po magagawa ang bagay na ganun sa aking kapwa lalo na sa isang artista. Tahimik po akong nagtatrabaho para sa aking pamilya. At may mga magulang at pamangkin po ako kaya hinding hindi ko po magagawa ang bagay na ‘yun. At higit sa lahat malaki po ang takot ko sa Diyos.

“Maaaring may mga hindi maniniwala, pero ito po ang totoo. Hindi na po ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa pangyayaring ito. Nakausap ko na din po ang mismong nanay at pinsan ni Ms. Cantiveros. Ipinaliwanag ko na po ang side ko sa knila. Hinihintay ko na lamang ang pagkakataong makausap ko si Ms. Melai. Panahon po ngayon ng pangangampanya, ang mga hackers ay walang pinipiling tao makapanira lamang ng kahit na sinong kandidato.

“At ako po ay nananawagan kay Ms. Melai na sana huwag agad maniwala at buksan ang isip sa iba pang mga posibilidad sa bagay na ito. Ako po ay sobrang apektado dahil sa isang bagay na hindi naman po ako ang talagang gumawa. Nahack at nagamit lamang po ang fb account ko na iyon at wala na po akong paraan para mabuksan. Biktima lamang po ako. ‪#‎TheRealShawieConstantinoEnriquez”

Kaya lang, walang naniwala sa kanyang alibi.

“i dont think she was telling the truth..palusot na lang yan na hindi daw naglolog out, so ano yung phone nya nanakaw bigla? nauso na yung hack hack account na palusot.. sya yon walang iba. connected ako sa kanya, grabe sya sa mga comments even before pa”.

“www.palusot.com/hulikanakasi style nyo bulok! Malalaman naman yan ng NBI cyber crime kung talagang na hack ang fb mo inday!”

“Wow teh. Showbiz na showbiz ampeg. Nakikiline up kila Angelica, Elmo, Alezzandra at Camille. Push mo yan!! Ang daming bashers na Duterte fans ang may gamit ng real accounts nila kaya magsilbing lesson sa inyo yan.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas