Base sa ebidensya ni Raymart Santiago
Claudine Barretto, nagdo-droga!

ADVERTISING

<i>Base sa ebidensya ni Raymart Santiago</i><br>Claudine Barretto, nagdo-droga!

<i>Base sa ebidensya ni Raymart Santiago</i><br>Claudine Barretto, nagdo-droga!SHOCK-BOOGIE ANG publiko na sumusunod sa bangayan ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago noong ilabas ang sinasabing “secret video” na ebidensya ni Raymart laban kay Claudine.

Mga eksenang nakunan at naka-save on video ay ang pagwawala ng dating aktres; mga shots ng mga syringe na nagpapatunay lang sa akusasyon ni Raymart na may masamang bisyo ang asawa.

Sali-saliwa na ang alitan. Nagkanya-kanya na silang pamilya ng kampihan. Ang mga in-laws ng aktor na sina Gretchen at Marjorie kasama ang nakatatandang kapatid na lalaki ni Claudine, umaayon na sa aktor habang ang kakampi lang ni Claudine ay ang inang si Mommy Inday na magpasahanggang ngayon, paniwala niya ay inaatake at inaapi lang ng mga anak niya ang kanyang bunso kung kaya’t kakampi niya ito.

Sa mga pruweba (photos and videos) kung ito ang pagbabasehan, may hatol na ang bayan kung sino ang salarin o kung sino ang nagsasabi ng totoo.

ADVERTISING

Sa pagkakataong ito, ewan ko kung papaano pa babaliktarin ni Claudine at ng kanyang mga abogado ang akusasyon ng mister niya na magsusumite na rin ng pagpapa-annul ng kanilang kasal.

Marami ang nagtatanong sa amin kung ano ba talaga ang puno’t dulo ng isyu ni Claudine para humantong siya sa ganitong pang-aabuso sa sarili?

Insecurities, sabi namin sa mga kaibigang nagtatanong. Hindi niya matanggap sa sarili na “laos” na siya. Hindi niya matanggap ang realidad na hindi na siya ‘yong Claudine na pinagkakaguluhan, binibigyan ng importansiya sa mundo na minsan ay naging sikat siya at naging “big star”.

Sa showbiz, kailangan ng reality check paminsan-minsan. Ang kasikatan ay hindi pangmatagalan at darating din ang panahon na ang dating nakasanayan mo ay mawawala rin.

At higit sa lahat, ang droga hindi maganda. Nakasisira ito sa buhay mo pati sa buhay ng mga mahal mo.

 

NALOKA ANG mga girls, bisexuals, out of the closet gays at straight acting gays (pa-men na ang type ay men din) sa mga eksena sa Cosmo Bachelor Bash sa World Trade Center last Tuesday.

Pina-sosyal na gay bar show na wala nga lang frontal nudity na nagpakita ng “pototoy” ng mga models na rumampa.

Pero kung susumahin, iisa lang daw ang gustong itawid ng palabas; ang palibugin, pagpantasyahin ang mga manonood na wagi naman sila sa intensyon nila sa naghuhumiyaw na tili at pag-rave ng manonood.

Malakas ang hiyawan nang sabay lumabas sa stage ang screen lovers na sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo. Nagwala rin si Alden Richards na kunwari ay nag-striptease with three girls na pinapahiran siya ng oil (eksenang ma-elya, say ng mga beki).

Sa isang eksena naka-skimpy sporty underwear ang mga models na naka-maskara na tipong Oblation Run ng Alpha Phi Omega (APO) Fraternity, pero sa totoong event ng APO, totally in the raw ang neophytes. Naka-expose ang matatambok na mga pisngi ng mga puwet ng mga model.

‘Yung kasuotan nila ay siya ring sinusuot ng mga “bagets” na mga hubaderong dancers ng Dreamboys na gaybar sa may Cubao na paminsan-minsan ay suot ng mga kalalakihang sumasali sa bikini open competitions na naglipana sa buong kapuluan.

Kulang na lang ay mag-area (lenguwaheng beki na mahilig sa mga gaybar shows) ang mga models at lumapit sa audience at sabay dim light or totally blackout at bahala na ang manonood sa gagawin niya sa nakatambad na harapan ng model (puwede hawakan, i-masturate o ‘di kaya’y isubo) na siyang kadalasang nangyayari sa mga eksena sa loob ng gay bar.

Obserbasyon ng isa sa mga nakapanood, hindi raw lahat ng mga rumampa noong gabing ‘yun, mga tunay na barako.

May ilang straights, bisexuals (AC-DC) and mga beki na nagpapakalalaki lang ang kilos at ang pangangatawan ay brusko at macho na uso na sa panahong ito.

Kuwento sa amin ng kaibigan naming make-up artist na kabilang sa artistic team ng event, may nagkagulo sa backstage after ng show nang nawawala ang used underwear ng isang male celebrity na natagpuan naman sa backpack ng isang professional model na may recent campaign sa isang sikat na department store.

Dagdag pa ng tsikadorang make-up artist sa amin, may isang male celebrity na nakipagpalitan ng cellphone number sa isang tipong beking modelo na ang basa ng source namin, “See you later at tayo ang gagawa ng sarili nating bash.” Yun na!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING