Basang-basa raw kasi ang papel, may demanda pang haharapin
Clinic ni Dra. Vicki Belo sa California, ipinasara ng State Board?!

ADVERTISING

<b>Basang-basa raw kasi ang papel, may demanda pang haharapin</b><br> Clinic ni Dra. Vicki Belo sa California, ipinasara ng State Board?!JUNE 30, dito sa ‘Pinas, binawian ng lisensiya ng Court of Appeals bilang cosmetic surgeon si Hayden Kho. June 30, sa kabilang ibayo, sa Glendale, California to be exact, ayon sa isang source, nagsara raw ang Belo Clinic branch na ito nang walang pasabi! Shocking, considering ang lakas ng dating ni Dra. Vicki Belo here bilang cosmetic surgeon of the stars at du’n nga sa US of A!

Isang demanda rin daw ang malamang harapin nito dahil sa isang kliyente raw niya na nag-avail ng kanyang Belo VIP card, kung saan for an exclusive membership fee na $150 ay magkakadiskuwentro ito sa mga services na inu-offer ng naturang Belo Clinic. Ang siste raw, dalawang beses nang kinakaltasan ng $150 ang credit card ng isang nagngangalang Tita Puring, pero ‘di naman nito ma-avail ang diskuwentro dahil sarado nga raw ang clinic since June!

May kaugnayan ba ang demandang ito sa inaakala ng karamihan ng mga Fil-Ams doon na ipinasara raw ng California State Board ang Belo Clinic sa Glendale? Totoo nga kayang basang-basa na raw ang papel ni Dra. Vicki sa California dala nitong isyung ito?

Superbaba nga raw ba ang expected income ng clinic niyang ito kaya’t one year pa lang daw ay tila close shop na ito?  Wala na nga raw ba siyang pera to do damage control kung totoo nga itong “business hemorrhage” na ito?

Na-meet namin siya minsan; magiliw, loveable naman ang personalidad niya, at mukha naman talagang madatung. Gusto nating marinig ang pahayag niya ukol dito. Now na sana!

ADVERTISING

 

HOARDER NGA raw ba ng books ang megastar na si Sharon Cuneta? Ayon sa aming taddy (tsismosang tadpole!), ang attic ng kanyang magarang balai sa Laguna ay punum-puno ng libro? Me masama? Ala, noh!  Intelihente ‘ata ang host ng TV5’s Sharon, Kasama mo, Kapatid; natural, eager-reader ang lola n’yo.

Halos lahat eh, nakabalot pa rin sa plastic na me presyo paaah?!!! Me masama? Hmmm, teka….Wait lang, baka naman bagong batch na ito ng loads of books na nagugustuhan niya, at darating din ang time na babasahin na niya ito! Speed reader ‘ata ang lola n’yo!

Inaagiw na ang karamihan nu’ng unopened books???!!! Me masama? Hmmm, pass na po…!

 

NADEDO NA nga kuno si Rita Avila… aalis na’t maghu-Hong Kong na for good si Papa Chen bitbit ang kanyang business na inaalok sana ke Dawn Zulueta… papasok na si Black Lily, sa katauhan ng isa pang ever gandang si Eula Valdes.

Simula na nga ng Book 2 ng top-rating, smash hit na teleseryeng Walang Hanggan. Ngunit sa kanyang mga panayam, patuloy ang pagsambit ng bonggang aktriz, na ang peg ngayon ay “Phenomenal Star”, na ‘di mawala ang kaba at takot sa kanyang dibdib sa pagpasok niya sa naturang teleserye.

Bulong ni Tito Alfie Lorenzo, na baka sa pagpasok niya at bumaba kahit konti ang ratings, eh, ibintang sa kanya. Bakit naman? Aba, bonggang-bongga siya as Amor Powers sa Pangako Sa ‘Yo, ‘di ba? Oo nga, sabi nu’ng katabi namin.

Pero mukhang ocho-derechong malupit ang role niya rito; ‘di raw bida-kontrabida. Outright kontrabida raw! Sabagay, eh si Kenneth nga tinatapik at kinagagalitan ng mga nasalubong na fans, eh. Katakot nga, not sa ratings, but sa effectiveness ng acting!

 

Ni Monti Tirasol

ADVERTISING