Sipat-eklat: Barumbadong aktor, inumom ang tira-tirang beer sa isang bar?!

Sipat-eklat: Barumbadong aktor, inumom ang tira-tirang beer sa isang bar?!SIPAT: SUSPENDIDO ng 20 DAYS ang SHOWTIME dahil kay ROSANNA ROCES!
EKLAT: Ang TINDI TALAGA ng NEGA VIBES ni OSANG!

SIPAT: ‘Kala SIGURO ni OSANG, e, MAKALULUSOT at NAKAKATAWA ang mga BIRADA niya.
EKLAT: NABUWISIT na ang VIEWERS. NAPIKON pa ang MTRCB!

SIPAT: May KUKUHA pa kaya kay OSANG para mag-GUEST?
EKLAT: Hmmm… PUWEDE siya sa LOTTO DRAW!

SIPAT: DAPAT naman, e, MAKUHA rin ang SIDE ni OSANG sa ISYU.
EKLAT: I-POST niya na sa FACEBOOK!

SIPAT: At least, NAPAG-UUSAPAN uli ang EX-SEXY STAR.
EKLAT: …nang may KASAMANG MURA at BIRADA!

SIPAT: HINDI kasi UMUBRA ang BANAT ni OSANG kay BONG REVILLA, kaya mga TEACHER ang NAPAGDISKITAHAN niya.
EKLAT: IDEKLARA nang PERSONA NON-GRATA ang HITAD sa LAHAT ng PAARALAN!

SIPAT: DAPAT siguro, e, MABIGYAN ng MATINDING LEKSIYON itong si OSANG.
EKLAT: PADIPAHIN sa HARAP ng KLASE na may mga LIBRO sa MGA KAMAY!

SIPAT: SURE WINNER na raw si MELISSA ‘MELAI’ CANTIVEROS sa PINOY BIG BROTHER DOUBLE UP.
EKLAT: ‘Yan ay KUNG HINDI siya PAGKAKAISAHAN ng ibang HOUSEMATES!

SIPAT: PATOK ang PBB LOVETEAM na MELAI-JASON, huh!
EKLAT: KABAHAN na kayo, KIM CHIU at GERALD ANDERSON!

SIPAT: LALAYASAN na raw ni REGINE VELASQUEZ ang SOP FULLY CHARGED.
EKLAT: ATTENTION: ASAP!

SIPAT: BAKIT daw si MARK BAUTISTA ang KASAMA ni PIOLO PASCUAL at HINDI si KC CONCEPCION sa isang EXCLUSIVE RESORT?
EKLAT: Hmmm… SIGURO, e, BUSY si KC!

SIPAT: ‘YUCK! Ewww….’ REAKSIYON ng mga NAKAKITA sa ACTOR nang INUMIN niya ang mga NATIRANG BEER sa TABLE ng mga nasa BAR. SENGLOT na kasi.
EKLAT: May BARUMBADO IMAGE ang ating BIDA!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service