Baron Geisler, tahimik na lang sa isyu ng pagwawala sa isang bar sa Angeles

Baron Geisler, tahimik na lang sa isyu ng pagwawala sa isang bar sa Angeles

Baron-GeislerSUMAGOT SA text namin si Baron Geisler, pero wala siyang masyadong sinabi tungkol sa nangyaring insidente sa isang club sa Angeles, Pampanga kamakailan.

Sa reply niya sa amin, ayaw na niyang magsalita pa tungkol sa nangyari. Tama na raw ang inisyung official statement ng kanyang management (AVL).

“Thanks for the concern Mama Leo, but I just wanna keep quiet na lang. Hope you understand,” ang unang text niya sa amin after maging viral sa social media ng kanyang video.

Isang text mula naman sa malapit kay Baron ang natanggap namin the following day. “May mga nakapanood ng longer first video at naintindihan ko kung bakit nagalit si Baron. Hindi naman siya basta-basta na lang “nagwala”,” paliwanag nito sa amin.

“Gusto na lang manahimik ni Baron at kahit ang mommy niya, nakikiusap. Kahit sinong gustong uminterbyu sa kanya to air his side, kahit TV Patrol, ayaw niya talagang magsalita.

“‘Yung sa TV Patrol, they agreed na huwag nang i-air pa ang side ni Baron. Kasi parang kahit anong sabihin nu’ng tao, it will not change people’s opinion about him,” dagdag pa ng ka-text namin na ayaw nang ipabanggit pa ang pangalan.

Samantala, sa isa pang palitan ng text namin ni Baron ay ipinagpapasalamat ng aktor na meron pa ring naniniwala sa kanya at nag-share ng first video sa social media.

“Okey na ‘yon sa akin as my defense and statement,” maigsing text niya sa amin.

La Boka
by Leo Bukas