Baron Geisler pinakasalan na ang non-showbiz girlfriend

ADVERTISING

Baron Geisler pinakasalan  na ang non-showbiz girlfriend

Baron Geisler pinakasalan  na ang non-showbiz girlfriend
Baron Geisler and Jamie Marie Evangelista

PINAKASALAN NA ni Baron Geisler ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Jamie Marie Evangelista. Ginanap ang kanilang civil wedding nitong Huwebes, September 12, 11 a.m. sa Quezon Cit Hall. Si Judge Arthur Malabaguio ang nagkasal sa couple.

“We wanted a classic Tiffany style, buti na lang, sobrang bait ni Arlene my friend and owner so she gave me good deal,” kuwento niya about their wedding rings.

Ayon pa sa aktor,  matagal din niyang pinag-ipunan ang pinambili ng platinum wedding ring nila ni Jamie. Karamihan daw dito ay katas ng FPJ’s Ang Probinsyano kung saan gumaganap siya bilang si Bungo.

Baron Geisler pinakasalan  na ang non-showbiz girlfriend
Baron Geisler with wife Jamie Mae Evangelista

Sa text sa amin ni Baron ay inamin niya na gusto sana niyang ilihim ang naganap na kasalan kaya nagulat na lang siya nang meron nang nag-post at nag-share nito sa social media. Nagpapasalamat din siya sa mga well-wishers.

ADVERTISING

Samantala, after their civil wedding ay pinaghahandaan naman ng dalawa ang kanilang church wedding na nakatakdang gawin next year (2020)

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING